33- THE RETURNS OF AKLIA (11)

845 29 1
                                    

FIRST DAY

Kumalas ako sa kanya. At ganun parin ang reaksyon niya, gulat. Maya napatawa ako na siyang ikinabalik niya sa nyang reyalidad.

Ano? Hindi makapaniwala?

Napailing nalang siya saka napangiti rin kalaunan. Napatingin siya saakin habang hindi maialis ang kanyang ngiti at kita mo sa mukha na parang may pinipigilan na kung ano pero napakasaya niya at parang iyon Ang pinipigilan niya. Ang pag sigaw dahil sinagot ko na siya.

"Ano? Hindi makapaniwala na sinagot na kita?", Natatawang saad ko dito. Napatawa naman siya sa sinabi ko at maya maya ay naging seryoso na siya.

"Kung ganun... Kahit magkahiwalay na tayo ay ako pa rin?", Natigilan ako sa sinabi niya. Napakagat labi ako saka umiwas ng tingin. Yun na nga ang pinangangambahan ko, eh. Paano kung Kapag Isang taon na ako dito ay baka agad akong pinauwi sa mundo namin?

Iniisip ko pa nga lang, naninikip na ang dibdib ko. Iniisip ko pa lang, nasasaktan na ako. At baka kapag naghiwalay na kami ng panahon at oras ko na para umuwi ay parang hindi ko alam ang gagawin ko.

Kase naman, eh! Ang Unfair ng mundo! Pwede namang magmahalan nalang ng normal eh! Hindi yung may mga complicated pa! Pero hindi mo pa rin masisi ang tadhana. At hindi mo rin masisi ang sakit, kahit anong iwas mo dito ay darating at darating din. Kahit anong taboy mo dito hindi parin ito mawala bagkus ay nasa likuran mo lang ito at anumang oras ay pwede itong umalis sa likuran mo at tatambad sa harapan mo.

Kahit gusto mong ipatigil ang oras para makasama kayong dalawa, para hindi kayo maghihiwalay, pero hindi mo iyon mapigil dahil hindi naman natin hawak ang oras.

Napabuntong hininga ako at lumingon sa kanya saka ngumiti. Kung papatagalin ko pa ito, eh kailan ko sasabihin? Kapag nasa huli na? Kapag may nangyari na? Kapag wala na ang lahat?.

Kaya nga mas mabuting sabihin mo na ang nararamdaman mo bagkus ay malapit narin ang deadline ko rito.... Ang pag-uwi ko sa mundo ko at hindi na kami magkikita pa.

Kaya ngayon ay susulitin ko ang panahon na magkasama kami... At hindi ko iyon sasayangin.

Malay namin, may reincarnation. Kung meron man ay sana ay maging Mortal na siya para malaya na talaga kaming magmahalan. Na makakabuo rin kami ng pamilya. Hindi dito kundi sa mundo ng mga tao...

NAMUMULA ang pisngi ko habang nakayuko. Nandito kami ngayon sa harapan ng Mahal na Reyna at ang ama ni Kashton na Duke. Seryoso ang mga mukha nilang nakatingin sa amin. Habang ang katabi ko? Ayun nakangiti habang ako ito... Nahihiyang tumingin sa kanila. Sinabi na kasi namin ang relation namin ngayon. Pero hindi niya hinahawakan ang kamay ko.

Tsk. Nasa ibang mundo ako eh, pang 18th century pa yata itong mundong ito. Eh, kapag nandoon, eh kapag nakita mo lang naka holdings hands, malalaman mo lang sila na. Pero iba dito, kailangan mo talagang sabihin at ang mas malala pa, nangangawit na ako dito kanina pa.

Nung pagkatapos doon sa scene na nandoon kami sa malawak na garden ay agad niya akong hinila patungo sa trono ng Mahal na Reyna saka ang Duke at wala ng hinto-hinto ng sinabi na niya na.

Napaka-straight forward talaga tong lalaking ito. Parang walang pakiramdam, eh! Ang tapang!

Ilang minuto na kami ditong binalot ng katahimikan pagkatapos ni Kashton na kami na sa Mahal na Reyna at ama niyang Duke. Kulang na lang maglagay na lang ng huni ng ibon dahil sa sobrang katahimikan eh.

Narinig ko ang pagtikhim ng Mahal na Reyna na siyang ikingiwi ko.

"Kayo ay magkasintahan na...", rinig kong saad ng Mahal na reyna. Kahit nakayuko ay tiningnan ko si Kashton na matapang ang mukhang nakatingin sa kanila habang nakangiti. Napapikit nalang ako at inipit ang labi dahil nahihiya pa rin ako hanggang ngayon.

"Anong plano niyo?", Medyo na-awkward ako sa striktong boses ng Duke.

"Sa ngayon ama, wala pa po dahil kaka-umpisa pa lang po namin maging magkasintahan.", mahahalata mo sa boses ni Kashton ang sobrang saya na parang wala ng hihigit pa sa tuwa niya ngayon.

"Sehana...", napakagat labi ako ng marinig kong tinawag ako ng Mahal na Reyna. Dahan dahan akong nakataas ng aking tingin at nakita ko siyang walang reaksyon na siyang ikinakaba ko. Pero di kalaunan ay ngumiti rin siya sa akin na siyang ikinagulat ko at ipinagtaka ko. Nagtataka akong napatingin sa kanya and the same time ay may halong pagkabigla.

"Ako'y nagagalak na kayo ay magkasintahan na..", nakangiting saad ng Mahal na Reyna, "Ipagdiwang natin iyan, sabihan ang lahat.. At hindi rin magtatagal ay mag iisang dibdib rin kayo.. Nawa'y maging matatag kayo pareho sa mga darating na pagsubok.."

Napalunok ako sa sinabi ng Mahal na reyna.

=======================

To be continued........

Enchanta Trilogy 1: La Enchanta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon