CHAPTER 83 - Just A Mistake

Start from the beginning
                                    

Bumangon ako saka kinapa ang aking dibdib. Hindi naman ako nagahasa para maghisterya ako pero sana kahit panghihinayang at kaba man lang sana ang maramdaman ko ngayon dahil naiwala ko ang higit na pinakamahalagang kayamanan ko bilang isang babae pero wala, e. Wala akong kahit anong maramdaman maliban sa nahihiya ako sa shokoy na ‘yon.

siyempre nakita na niya ang lahat sa ‘kin. argh!

Nakakaloka naman. Bakit wala akong matandaan sa nangyari kagabi? Jeeezz! Nakakaasar! Pero teka— masakit ‘yung ano ko.. argghh!

Kaya mo 'yan. Magbihis ka na para makauwi ka na.

NASA mainroad na kami pero tila mabibingi na ‘ata ako sa sobrang katahimikan. Kanina pa kasi ako hindi kinikibo ni Kenshi and I was just wondering kung ano na naman ba ang nagawa ko sa kaniya.

“Why are you looking at me?” biglang tanong niya.

Napangiwi ako. “Paano mo naman nalamang nakatingin ako sa ‘yo?”

“Nakita ko malamang.” pabalang niyang sagot. I rolled my eyes at him. “Nagugutom ka ba? Maybe you’re tired of what — ”

“Hep! Huwag mo ng ituloy.” putol ko sa kaniya. “Hindi ako nagugutom. Gusto ko lang malaman kung bakit hindi mo ako kinikibo kanina.”

He glanced at me for a second, “Gusto kong panagutan ang nangyari sa ‘tin, April.”

“No. Ayaw ko.” diretsahang sagot ko. “May buhay tayong pareho na dapat tahakin, Kenshi. Hindi naman ako buntis kaya huwag kang mag-alala. Hindi naman kita sinisisi sa nangyari kaya huwag ka ng ma-pressure, okay?”

“Pero — ”

“Kenshi, please. Ayaw ko na ring pag-usapan ang nangyari.” seryosong saad ko. “Pareho nating hindi ginusto ‘yon kaya kalimutan nalang natin. Huwag mo nalang ding sabihin sa kahit sino sa pamilya mo o kahit sa mga kaibigan natin. Iyon din ang gagawin ko para maiwasan natin ang anumang complication.”

Napatitig ako sa kaniya nang bigla siyang tumawa. “Gusto mong isikreto natin ‘yon upang hindi makarating kay Saiyan. Iyon ba ang gusto mo?” muli siyang tumawa. “For heaven’s sake, April, huwag ka ng umasang babalikan ka pa ng kaibigan kong walang utak dahil hindi na ‘yon — ”

“Shut up, Ken! Shut up!”

Nagkibit siya ng balikat bago seryosong itinuon ang buong atensyon sa kaniyang pagmamaneho. Labas naman si Saiyan sa naging desisyon ko at isa pa, kahit nasasaktan pa rin ako ngayon, kahit naman mahal ko pa ‘yung tao, hindi ko na ipagsisiksikan pa ang sarili ko sa kaniya.

.
.

HOPPER’S POV :

MAGDAMAG kaming naghanap kay AM at hanggang ngayon hindi pa rin namin natatagpuan kaya nagpapanic na rin ang Mommy namin pati si Lola Maurita sa pag-aalalang baka kung napaano na siya.

“Melandro, I think you should call General Olivas now.” mangiyak-ngiyak na suhestiyon ni Mommy kay Dad. “Kailangan na natin ng tulong niya para hanapin si Miracle. Melandro, please..”

Niyakap ni Daddy si Mommy para aluin, “Sige, sige. Tatawagan ko na siya.”

“Dad, Mom, lalabas muna ako,” paalam ko “Susubukan kong hanapin ulit si AM.”

“I’m coming with you.” habol ni Grover sa ‘kin.

Tumango ako at mabilis na tumakbo palabas.

“Grov, salo!” initsa ko ang remote key ng kotse ko sa kaniya. “Ikaw na ang magmaneho. Bubuksan ko lang ‘yung gate.”

Pagkabukas ko ng gate ay siya namang pagparada ng isang itim na SUV at mukhang hindi ko magugustuhan ang taong sakay nito.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now