Chapter 24 Loud House

144 2 0
                                    

Mr. Alastair's POV

Nang makalabas kami ng mansion, biglang may humarurot na van sa harap namin at pinag-bubugbog ang mga dumakip saamin. Hindi namin maisip ni Izzabella kung kalaban ba namin ito kaya lumalayo kami.

Tatakbo na sana kami nang hawakan kami ng isang lalaking nakabonet, sa kabang naramdaman ko ay nagpumiglas ako sakanya.

Pero tinanggal niya ang bonet niya, lumaki ang aking mata miski ang aking asawa nang makita siya.

"Ikaw?" bulaslas ko.

"Opo ako po, tara kailangan namin kayong iligtas. Nanganganib kayo." sabi niya at sinakay niya kami sa van.

Nagpa-iwan siya at tumakbo papuntang likod ng bahay namin, bigla rin siyang bumalik at sumakay rin ulit sa van kasama namin.

Hindi ko maiwasang mapa-titig sakanya, kung totoo ang sinabi ni Louis. Bakit namin siya kasama ngayon?

"Totoo po ako, at wag kayong mag-alala. Hindi milagro to." natatawang sabi niya.

"Ikaw parin, walang pinag-bago." niyakap ko siya nang mahigpit.

"Nakita ko si Louis, kasama niya si Nick." sabi niya.

"Si Nick? Akala koba ay--" naunahan niya ko.

"Isa parin akong spy, at alam ko ang lahat. Binugbog si Nick dahil nalaman ni Mr. Percival na may alam ito kaya nangyari sainyo to ngayon." sabi niya.

"Nagulat ba kayo? Nagbabalik ulit ako?" tanong niya.

"Its good to be back." naka-ngiting sambit ko.
"Kung spy ka, alam moba kung nasaan si James?" tanong ni Izzabella.

"Opo, at nakita kona siyang buhay." sabi niya.

Hinawakan ko agad ang kanyang braso.

"Pero wag po kayong mag-alala, makikita niyo napo siya."

James POV

"Dito? Seryoso kaba?!!" bulyaw ni Nick.

"Oo naman, bakit ba may problema kaba?!!" bulyaw rin ni Zoe.

"Pwede ba Zoe kahit minsan naman hinaan mo ang boses mo!!" sigaw ni Luke.

"Wag mo ibuhos saaken ang galit mo! Ibuhos mo dyan sa Marcus nayan at wag saaken." pagtataray niya.

"Kung pwede lang bakit hindi?!"

"Manahimik na kayo, wala na tayong magagawa dahil ito nalang ang pag-asa natin kaya mag-tiis nalang kayo." sabi ni Louis.

Nandito kami sa bahay ni Zoe, walang problema maganda pero lahat ng design puro pambabae at BT21.

Si Nick lang ang ayaw dahil hindi naman siya mahilig sa mga ganito. Wala namang pangit dahil ang cute ng mga designs ni Zoe, halatang fan siya ng BTS at BT21 merchandise.

"Dalawa lang ang kwarto kaya magtiis kayo." sabi ni Zoe.

"Dalawa lang? Ang dami-dami mong BT21 pero kinulang ka sa kwarto, eh chineck konga yung ref mo kanina. Walang laman!" bulyaw nanaman ni Nick.

"Puro ka reklamo dun ka sa kalsada matulog!" sagot naman ni Zoe.

"Nick, eto nalang ang meron tayo kaya wag kanang magreklamo." sabi ko.

"Pshh, may pambili ng burloloy pero walang pambiling napkin." bulong ni Nick.

"O my god! Waaahhhh!!" agad na tumakbo si Zoe sa banyo.

Meron ba siya?

Kaya pala mainitin ang ulo.

"Ok, sa kwartong ito dito ka matutulog Nick, tabi kayo ni Zoe." sabi ni Louis.

I'm A Sex Slave Of A Billionaire [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon