Chapter 12 Break up

249 4 0
                                    

Sorry for the long update nag-iisip kase kong magandang scene, remind kolang guys malapit napong matapos yung story

Happy reading!
ʕ•ﻌ•ʔ

NAPA-BALIKWAS si Jared nang bulabugin siya sa pag-tulog dahil sa malakas na pag-katok sa pinto niya.

Inis siyang tumayo at binuksan ang pintuan.

"What the hel-" nagulat siya nang makita niya sa harapan niya si James na masama ang tingin.

"Ja-" hindi niya natapos ang sasabihin niya nang sampalin siya nito.

Napa-hawak siya sa pisngi niya dahil sa init ng palad na dumapo sakanya.

Naguluhan siya sa ginawa ng mahal niya dahil unang beses siya nitong sinampal.

"Para saan yon?"

Ngumisi pa ito na parang nang-aasar.

"Para saan? Haha, nakakatuwang isipin na isang katulad mong nakuha pang mag-sinungaling sa harap ko ngayon, sabagay mga walang-hiya naman kayo."

"Wala kang karapatang sabihan kami ng ganyan!" singit ng kanyang ina na nasalikod ni James.

Lumapit ang kanyang ina sa gilid niya at tinignan nito si James mula ulo hanggang paa.

"Himala at buhay kapa, sana namatay kanalang. Walang kwenta ang isang tulad mo ang mabuhay pa dahil wala kang respeto, nasa pamamahay kita kaya ayunsin ml ang ugali mo at ilugar mo ang sarili mo!" matigas na sabi nito.

Ngumisi ulit si James na parang walang narinig at inilibot ang kanyang paningin sa kwarto niya.

"Talaga lang ah? Sabagay hindi nako magugulat sa ugali mong baluktot, nag-mana lang ang anak mo sayo."

Aktong sasampalin na nito si James pero pinigilan niya ang kanyang ina.

"James, bakit ganyan ka sumagot sa mommy ko?" naguguluhan niyang tanong dito.

"Bakit hindi mo itanong sa hayop mong ina, tutal isa naman yang tupa na maputi ang balahibo pero ang balat at ugali maitim, o baka naman hindi mo pa sinasabi ang sikreto mo Fabiana, nakakalungkot naman na nabubuhay si Jared sa kasinungalingan." naka-pout ito at naka-titig lang sa kanyang ina.

Tumingin siya sa ina niya na umiwas nang tingin.

Hinarap niya ito.

"Mom, is there something wrong? May dapat kabang sabihin saken?"

"Wal-" biglang sumingit si James.

"O sige ako na mag-kekwento, baka hindi kayanin ng mama mo Jared, alam mona namomroblema yan kung saan niya itatago ang kayamanan namin."

"Pwede ba umalis kana dito!" sigaw ng mommy niya.

"No mom, may dapat akong malaman dahil anak niyo ko, at karapatan kong malaman yon dahil naguguluhan narin ako." seryosong sabi niya.

Dahan-dahan siyang tumingin kay James na naka-ngiti lang at halatang iniinis ang kanyang ina.

"Tell me, ano bang dapat kong malaman?" tanong niya.

"Kaya lang naman kami nawala at naaksidente dahil sa mukhang perang mga magulang mo, at hindi lang yon alam moba lahat ng kayamanan namin ay nasa inyo kaya nga sobrang yaman niyo eh. Dahil kase yan sa intrimitida, mukhang pera, at inggitera mong ina, diba tita Fabiana?"

"Umalis kan-" pinigilan niya ang mommy niya.

"Ano pa?!" galit na sabi niya.

"Ay gusto pa teka lang mag-sasabi naman talaga ko Jared, kawawa kanaman kase eh. Kaya pinapa-sira ng mommy mo ang bahay ko na tinatawag na 'Swarg Dream Isler' kase dati panaman kinaiingitan na niya to, alam mona nalugi kayo eh nanay mopa naman mayabang nag-birthday ka kaso wala siyang nabigay na bahay sayo kaya ayon nung naaksidente kami napa-sakanya lahat pero di niya binigay kase nga gusto niya marami siyang pera, marami siyang kayamanan na galing sa nakaw diba tita Fabiana?" tanong ulit nito at naka-pout.

I'm A Sex Slave Of A Billionaire [BoyxBoy]Kde žijí příběhy. Začni objevovat