Chapter 22 Seeing Each Other Again

184 5 3
                                    

Louis POV

Dali-dali akong pumunta sa hidden door, putangina kailangan konang gumawa ng paraan! Ako nalang ang mismong tauhan nila pero hindi ko alam kung saan ko sila itatago pa!

Nick betrayed us! Sinabi niya kung nasaan ang naka-tagong lagusan ng mansion ni James! Sinungaling siya hindi ko siya mapapatawag pa!!

Pag-bukas ko ay biglang nagulat ni Mr. And Mrs. Alastair.

"What's going on?" tanong ni Mr. Alastair.

"Sir, kinukuyog na tayo! Nasa living room na sila at hina-halughog ang buong mansion, what will we do?" kinakabahang tanong ko.

"John do something, natatakot nako!!" singit ni Mrs. Alastair.

Hindi mawari ang takot ni Mrs. Alastair, miski ako ay sobra na ang lakas ng kabog ng aking puso dahil naririnig namin ang lakas ng sigaw nang mga tao.

"Wala na tayong magagawa pa." bumagsak ang balikat niya na parang wala ng pag-asa.

Tumingin saaken ito ng marahan saaken.

"Louis, you are the only one who will help us. You are our hope, kaya kailangan mong iligtas ang sarili mo." dagdag nito.

"What?! How about you two, mag-papaiwan kayo?" malakas na bulyaw ko mula sakanilang dalawa.

"I know na hindi sila titigil unless hindi nila kami makukuha, at alam kona buhay pa ang anak ko kaya naman ikaw ang uutusan kong hanapin si James. At kapag nahanap mona siya, alam mona ang gagawin mo." sabi nito at nag-lakad at pumunta ng drawer.

May kinuha itong isang flashdrive at card, hindi ko alam kung ano iyon.

"Kapag nahanap mona si James, pag-aralan niya mismo ang mga naka-lagay sa flashdrive nato tulungan mo siya. At kapag nalaman na niya lahat, use this. Nandyan ang natitirang pera ko, para makapag-higante at makuha ulit ang nasa atin dati."

"Para narin kitang naging pangalawang anak, if Carter is here hindi na sana mapupunta sa ganitong pangyayari. Alam kong kaya mo Louis, its your turn para malaman kong kaya morin. Ngayon ay hindi lang pag-babantay ang gawin mo kay James, sana ay hanapin mo siya. Ikaw ang magiging ilaw sa mga taong nabubulag sa kadiliman para malaman kung ano nga ba ang katotohanan, gusto kong malaman kung hanggang saan ang kagalingan mo. Hanapin mo siya Louis, hanapin mo ang kapatid mo." dagdag niya pa.

"Pinag-kakatiwalaan kita Louis, you need to go now." bigla niya kong niyakap.

Hindi ko maiwasang umiyak nang sabihin niya ang mga yon, i never knew that i was part of this family. Like oo parte ko bilang guard or taga bantay, pero pina-realized saken nila ngayon na i was James brother, putangina naiiyak pako lalo!!

Lalaki ako bakit bako umiiyak?!

"Thanks boss, i promise i will never give up no matter what. And i will sure na ibabalik koto sa dati in James hand." proud na sambit ko.

"From now on, call me Dad." naka-ngising sambit niya.

"Yes po Dad." sabi kom

"Good--go now!!!" narinig namin na may kumalabog sa pinto.

"Louis, go now! Hide and find your brother!!" sabi ni Mrs. Alastair--mom pala.

Nag-tago ako sa ilalim ng kama at saktong iyon ay bumukas ang pinto, sumilip ako ng kaunti at nakita kong niyakap ng mahigpit ni Dad si Mom na parang pino-protektahan niya ito.

Nang maka-lapit ay pinag-sasapak, bugbog at tadyak si Dad. Kinuyom ko ang aking kamao sa sobrang galit, gusto kong lumabas para ipag-tanggol sila pero ayokong masira ang lahat.

I'm A Sex Slave Of A Billionaire [BoyxBoy]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin