Chapter 15 Getting Trouble Again

184 5 0
                                    

Hello guys, sorry kung ngayon lang nakapag-update. Konti nalang kase readers, sana naman mag-comment kayo kung nagbabasa kayo para malaman kong meron pang nag-babasa.

Gusto niyo i-spoil ko kayo? May mamamatay sa chapter nato, sorry po pero kailangan.

Happy reading!!
ʕ•ﻌ•ʔ

Louis POV

Mabilis ang akong tumakbo, alam kong mangyayari to. Alam kong may nag-plano nito para mapatay nila si James.

Kahit na nung lumabas ako sa kwarto ni James ay narinig ko ang kausap nito sa cellphone, may nag-babanta sakanyang patayin siya.

Kahit na nanganganib na ang buhay ni James ay tinago ko parin ang pag-aalala ko sakanya, ayoko ring masira ang araw na ito dahil sapagkat itong araw na ito ay makikilala na siya ng lahat ng tao.

Mula pa kanina ay nag-mamasid na kaming lahat, nawala ang ng ilang saglit para sabihin sa mga nag-babantay na talasan ang kanilang mata. Iba ang kalaban namin, nasa paligid lang sila at huma-hanap ng tyempo.

Kinausap ko rin si Carter at ang tanging sabi niya ay siya na ang bahala kay James, sinabi niyang papatayin na ang mga ilaw para sa surpresa ni Mrs. and Mr. Alastair. Babalik na sana ako para puntahan si James nang makita ko siyang may kasayaw na isang lalaki.

Bumilis ang tibok ng puso ko, parang iba ang pakiramdam ko ng makita ang lalaking kasayaw niya kaya mabilis akong tumakbo at bigla siyang hinatak.

Ayoko siyang mapa-hamak dahil trabaho ko ito.

Nasa tabi lang ako ni James nang biglang may nag-sigawan, agad akong napa-tingin sa isang direksyon at puro lalaki na may hawak na armas.

Naka-tutok ang isa kay Mrs. Alastair kaya tumakbo ako papalapit at hinila siya upang mailigtas.

Nag-simula nang mag-kagulo, tinignan kong muli si James at naka-pikit parin. Hindi ko trabaho ang iligtas ngayon si James pero si Carter na mismo ang bahala sakanya.

Kinuha ko ang kamay ni Mrs. Alastair na gulat na gulat sa nakikitang pang-yayari.

"Mr. Alastair, tara na! Mapanganib na ang buhay niyo!!" sigaw ko.

Malakas ang mga putukan ng baril.

"Si James?!!" alalang sambit at inilibot ang paningin para hanapin.

Aktong tatakbo siya pero pumunta ang ilang tauhan at pinrotektahan kaming tatlo, pinasok kami sa bahay at lumabas ang mga tauhan para makipag-barilan.

Sa sobrang lakas ng putukan ay halatang natatakot si Mrs. Alastair.

"Asan ang anak ko, asan si James?!" pag-aalala niya.

Sasagot na sana ko ng biglang may kumalabog sa pinto, napatingin kaming tatlo at halatang pinapasok na kami ng kalaban.

"Sumunod kayo saken!" matapang na sambit ko at dumiretso kami sa hidden door ng bahay nila.

Walang sino man ang nakaka-alam nito, kami lang din ang nakaka-alam. Pumasok kami duon at sinara ang pinto.

Umupo si Mrs. Alastair sa sofa at hinawakan naman siya ng asawa niya sa balikat.

"Don't worry, ligtas si James." sagot ko.

Tumingin ito saken na may nagmumugtong luha.

"Louis, iligtas mo ang anak ko." pag-mamakaawa ni Mr. Alastair.

Imbis na sumagot at nginitian ko lang siya.

Hindi ko kayang mangako dahil hindi korin alam kung ligtas nga ba si James, hindi ko din alam kung nailigtas nga ba ni Carter si James.

I'm A Sex Slave Of A Billionaire [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon