Prologue

4.8K 39 0
                                    

"Ikaw ang mission ko"

Ayan ang palagi niyang naririnig, hindi niya maintindihan kung bakit lahat ng nakikilala niya ay laging binibigkas iyan.

Dahil sa nangyaring nakaraan ay nawalan siya ng ala-ala at walang alam sa kung ano ang nasa paligid niya.

Isang tao ang dahilan kung bakit nangyari ito, malinaw ang rason kung bakit nga ba nito ginawa sa pamilya.

Napadpad siya sa probinsya dahil sa may tumulong sakanya, isang babeng kilala niya pero kahit kilala niya ay wala siyang maalala.

Nag-karoon siya ng isang kaibigan pero hindi niya alam kung bakit ba siya kinaibigan, dun din pumasok ang binully ng kaibigan niya na naging dahilan rin kung bakit nakidnap ulit siya.

Maraming beses ng may curiosity sa utak niya, pero kahit tinatanong niya ay hindi kailan man sinabi sakanya.

Nang dumating ang araw na pupunta na siyang Maynila para mag-trabaho dahil malaki na siya.

18 years old siya, kahit naman nung bata siya ay marunong na siyang mag-balat ng buto ang problema ay nabubulabog siya ng mga panaginip kaya sinabi nalang sakanya na wag ng mag-trabaho.

Pinilit niyang kalimutan ang panaginip na isa palang memorya, memoryang mag-tuturo sakanya kung sino at ano nga ba talaga siya.

Maraming gustong makakilala sakanya pero mismong sarili niya hindi niya alam, nag-apply siya bilang katulong ng isang mayamang lalaki.

Mahigit sampu narin ang nag-reject sakanya pero hindi siya nawalan ng kumpyansa at sumubok lang ng sumubok.

Nang makilala niya ang lalaki ay palagi nalang sumasakit ang ulo niya, sa hindi mapa-liwanag na dahilan.

Madalas na siyang managinip ng masama, tungkol sa barkong nasa dagat pero ginigising niya ang sarili dahil nadin sa takot.
Hindi niya alam na ang lalaking iyon ay ang kanyang matalik na kaibigan.

Ang kaibigang, minahal niya ng palihim dahil pareho silang lalaki at alam niyang hindi siya matatanggap nito.

Pero inaakala niya lang iyon.

Nang tanggapin siya nito bilang assistant at hindi katulong, akala niya'y katulong siya dahil wala naman siyang skills o kaalaman sa pagiging assistant.

Dahil sa pagiging assistant niya ay palagi rin silang nasa kumpanya, dun niya malalaman ang katotohanang matagal na niyang hindi alam.

Matagal na siyang uhaw sa kasagutan na hindi pa nasasagot, nalaman niya nang marinig niya.

Mas lalo ng sumakit ang ulo niya nung nalaman niya ang tunay na dahilan kung bakit nagkaroon siya ng amnesia.

Kung bakit sa probinsya siya lumaki, at anong nangyari nung nasa oras sila ng trahedya.

Matapos nung ay nag-iba na ang lahat, at nag-simula ng maging kakaba-kaba ang buhay niya, palagi siyang nasa peligro.

At dun na nag-umpisa ang buhay niya, bilang ang totoong isang James Isler.

I'm a Sex Slave of a Billionaire
Written by: @FictionalWhoExist

I'm A Sex Slave Of A Billionaire [BoyxBoy]Where stories live. Discover now