Chapter 13 James birthday

222 5 0
                                    

Hi guys eto na yung point of view nila kase mag-eending narin, hope you like it.

Happy reading!
ʕ•ﻌ•ʔ

James POV

Nandito ako sa kwarto ko hindi ko alam at hindi maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko, masyado akong kinakabahan ngayong mga oras nato.

Kanina naman ay hindi ako kinakabahan pero ba't ganito na ngayon?!

Argghhh naiinis ako sa sarili ko kung bakit ba kase ngayon ako nape-pressure, dahil bato sa speech ko o hindi?

Kanina pako paikot-ikot sa kwarto ko, kabisado ko naman yung speech ko ano bang nangyayari saken paranoid bakk ngayon oras nato?

Napa-upo nalang ako sa gilid ng kama ko at napa-sapo sa ulo sa di mapa-liwanag na dahilan.

Narinig kong bumukas ang pinto, pumasok si Louis.

Tumabi siya saken pero hindi ko naman siya pinansin, ayokong malaman niyang kinakabahan ako ngayon.

"Kinakabahan ka ata?" biglang tanong niya.
"A-ah ako? H-hindi ah bakit naman ako kakabahan?" depensa ko.

"Haha you look defensive, pero ok lang yan i know first time mong birthday to for the past 10 years kaya normal lang yan."

"Isa pa maraming manonuod sayo kaya galingan mo, show them that James Isler really deserves to be a heir." dagdag pa nito.
Ngumiti ako sakanya.

"Salamat nga pala at pina-pagaan mo ang pakiramdam ko." i smiled.

"Ok then you have 30 minutes left kaya mag-bihis kana, mag-bibihis narin ako see you later." paalam nito at tuluyan nang lumabas.

Papasok na sana ako sa banyo ng biglang may tumawag sa cellphone ko, isa itong 'Unknown Number' kaya nag-taka naman ako kung sino ang tatawag saken?

Sinagot ko agad to pero hindi pako nakakapag-salita nang unahan nako nito.

"Anong pakiramdam James Isler?" isang boses lalaki.

"Excited kanaba sa mamaya? Kami rin eh, excited kanang patumbahin." nangilabot ako sa sinabi niya.

Hindi ako maka-pagsalita, parang nawala nako ng boses ngayon.

"Tandaan moto, bago ma-blow ang candle mo naka-higa kana sa sahig!!" tumawa ito nang malakas.

"Sino kab-" binaba agad nito ang linya.

Bigla kong binaba ang cellphone ko, tumaas ang balahibo ngayon sa mga pinag-sasabi niya.

Totoo bayon? Gusto kong sabihin kayla dad ang lalaking tumawag saken pero ayoko, hindi sa natatakot kundi ayokong madidisspoint sila dahil nag-bigay sila ng time and effort para sa araw nato and ayokong masayang yon dahi lang sa tumawag saken.

Maybe is just a nobody or tinatakot lang niya ko, pwes hindi ako natatakot.

Dumiretso na agad ako sa banyo.

Parang kanina lang kinakabahan akk pero ngayon konti nalang, ang ganda kase ng suot ko ngayon.

Naka-suot ako ng red formal na may mga telang tinupi na parang rosé.

May mga crystals din ito para kuminang kahit papaano, nang ipatok kona ang korona kong pang-prinsepe ay mukha talaga kong price na may pagka-goddess.

Ewan ko pero natutuwa ako sa suot ko ngayon, inayos kona ang sarili ko at mukha ko.

Lumabas ako ng kwartong malinis, maayos at mabango.

Pag-baba ko ay nakita ko si Louis na naka-upo sa sofa at bigla siyang lumapit saken.

I'm A Sex Slave Of A Billionaire [BoyxBoy]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang