XVII

3 0 0
                                    

Di makuntento

Sisikapin kong pigilan ang aking sarili
Pigilan ang pwersa ng aking pag-ibig
Mula rito sa malayo sayo'y nakatitig
Kahit di makuntento ang aking damdamin.

Sisikapin kong lumayo sa yong paningin
Gagawa ng espasyo ating gilid
O giliw, O giliw iiwas ng mabuti
Bago ako'y mapalapit ng lubos at hagkan ka sa aking bisig!

Di makuntento ang damdamin sa kakatitig
Ngunit mas nanaiising dumistansya sayo giliw
Kaysa naman umasa sa wala at madama ang sakit
Di man makuntento, ito'y sapat na sa ating daluwa o giliw.

Ninanais ko mang ika'y lapitan
Magpakatirapa upang huwag kang lumisan
Ngunit mas pipiliin kong dumito sa sulok na lamang
Ang kaibigan mong di makuntento ang damdamin.

I/EntityWhere stories live. Discover now