Constantino
Sumikat ang araw mula sa silangan
Ang ibon sa langit ay lumaya;
Ang simoy ng hangin pumalibot sa akin
Isang bagong umaga ang aking kakaharapinUmawit ibon sa himpapawid
Lumipas ang oras pati ang sandali
Hawak mo aking kamay
Mamasdan ang langit
Ang mga mata mo'y kay rikit tulad ng bituin.Sa minuto ika'y tumatakbo
Ako isang oras na naghihintay sayo
Minamasdan ang bawat sandali na hawak ko ang kamay mo
Hanggang dumating ang sandali maglapit ang ating mga bisig at maging iisa tayoSubalit gaya ng oras ang lahat ay lumilipas
Nagbabago ang ikot at takbo ng lahat
Darating ang minuto at ika'y mawawalay at muli mag-iisa ngunit hawak ang iyong kamay.Hanggang dumating ang panibagong sandali
Ang ating katawa'y muling magdidikit
Muling mag-iisa kahit sa isang sandali at muli kang lilisan sa aking piling
Tulad ng umaga ay darating ang gabi ngunit darating din ang oras sasapit ang haring araw na liliwanag sa mga nahihimbing.
VOUS LISEZ
I/Entity
PoésieKollektives Unbewusstes Man-something in you-is I. What are We-You-Me; Are we the same? -uniquely distinct. I believe what others might think they want to believe. You may disagree what I also disagree; -either, nor, neither, or the same. more or l...