II

18 2 0
                                    

Yaong Namayapa

Nais kong makawala sa apat na sulok nitong aking hantungan.
Mga malalaking pader na siyang nagpapasikip sa aking hinihigaan.
Madilim na haligi, aking mga kahinaan.
Ito ang aking libingan na hindi ko nais maging himlayan.

Nais kong makawala sa tanikala nitong ngayon.
Makalipad tulad ng agila sa himpapawid nitong nayon.
Makita ang kagandahang likas ng makabagong panahon.
Sumabay sa agos ng rumaragasang alon.

Realidad ay sa aking humahagupit.
Tulad ng latigo na lumapapat sa mala porselana kong kutis.
Ang puting nyebe ay isa na ngayong eskarketa
Matingkad na pulang sidsidlan ang umaalsa.

Nais kong makita ang mundong mapagmahal
Ngunit sa realidad ito'y isang malaking kalokohan
Ayoko nang maniwala sa mapupungay na mata at matatamis na dila
Dahil nagpupunla lamang ito ng binhi sa aking katawang lupa.

I/EntityWhere stories live. Discover now