I

25 2 0
                                    

MATA-MATA SA LANGIT

Pikit mata kong tiniis ang sakit sa aking kalamnan
Upang wag maging bahagi ng katotohanan
Sa pagsakay ng batang paslit sa jeep
Nag-abot ng sobre, sumayaw, umawit
O humingi ng tulong para sa kapatid
Pantawid sa kumakalam na sikmura o para sa tao na ganid

Wala akong magawa kundi pumikit
Magtulog-tulugang walang naririnig
Kahit masakit sabihin ang katotohanan
Wala rin naman akong kaibahan sa mga tao halang ang sikmura
Ang istudyanteng tulad ko ay mapagmatara rin
Ito ang sumpa ng umukit sa akin.

I/EntityWhere stories live. Discover now