XIII

5 1 0
                                    

Tagimpan

Mula sa pagmulat hanggang sa huling hantungan,
Isang tagimpan ang aking pinaniniwalaan;
Gayon pa man, ito'y nag-ugat na sa aking isipan,
Ito'y tama na mali na hindi ko rin alam.

Ako'y nagugulumihanan sa kung ano ang tama,
Alin sa dalawang daigdig ang tunay na tahanan;
Alin huwad na tumatakip sa aking diwa't kaluluwa,
Di ko makita, di ko makita.

Nawarak na itong aking kabuuhan,
Di na alam ang nilalakaran — kakaliwa ba o kakanan?
Bakit ganito ang aking dinaraanan?
Sila-silabit, walang patutunguhan.

Ipaliwanag mo, ikaw na mambabasa
Tagimpan nitong buhay, panaginip lang ba?
O baka naman talagang walang saysay?
Mamuhay sa mundong walang kasiguraduhan.

Ikaw, tunay nga bang tagimpan ang lahat?
O ito'y isang maling-haka lamang ng nagmamatalinuhan kong isipan?
Tagimpan, tagimpan...
Ilusyon nga ba o katotohanan?
Katuwiran, katuwiran...
Alin sa dalawang daigdig ang iyong kakampihan?

I/EntityΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα