Vl

6 0 0
                                    

HIGANTE/HIGANTE

Ibong malaya sa hawla lumungga
Pagkat puno't halaman, kagubatan nasira;
Tahanang luntian isang alamat na lamang,
Bakit ba kay lupit ng mga hayop na may mataas na pang-unawa?

Oso sa gubat ngayo'y nasa plaza
Kinagigiliwan ng mga hayop na may matataas na pang-unawa;
Kanilang tirahan ay ginawang makabagong agora,
Ang iba sa kanila ay ginawang panghimagas sa kumakalam na sikmura.

Pati mga kaibigang pagong at pawikan,
Na laging pinagkikitaan sa merkadong itim at bulaan;
Panglunas kuno ayon sa mababaw na antas-medesina,
Habang kanilang mga tahanan ay tinatapon lang mula sa kailaliman.

O kampon ng diablo, ganid na tao
Mga hayop at garapal sa pang-aabuso;
Huwag nang magtaka kung ang langit at mundo'y may galit galit sa inyo,
Pagkat di mababayaran ng kahit anong buhay ang mga bagay na sinira ng iyong mga kahapon.

I/EntityWhere stories live. Discover now