III

8 1 0
                                    

SANTISIMA: Panis na kanin.

Muling umaalingasaw ang mabahong simoy ng hanggin,
Mula sa baunan na may lamang kanin;
Di ko akalain na matagal na itong nakatago't nakasilid,
Kaya nang mapanis, ito'y naghasik ng lagim.

Ang dating purong puti, ngayo'y naging itim
Ang masarap na kanin ay na panis;
Di ko akalaing ito'y naging ganid,
Kaya't ito'y inuuod na — nakakadiri.

Santisima! Santisima! Wika ng Aso
Amen! Amen! Wika ng kabayo;
Mga nilalang sa karurukan,
Mga nilalang na bulag-bulagan.

Ngayong aking nalaman na may panis na kanin sa aking baunan,
Ito aking hinugasan sa sabong detergent at antibacterial;
Ngunit bakit tila ba mabaho pa rin ang baunan?
Kumapit na ba amoy nitong karumal-dumal?

Lumapit ako sa altar at nanalangin,
O Diyos na mahabagin dinggin ang aking dalangin;
Bakit nanuot ang amoy-anghit sa aking baunan?
Bakit tila ba sila'y nagkaisa—Walang hanggan.

I/EntityWhere stories live. Discover now