Grabe talaga!

Nung wala na siya sa harapan ko ay bigla kong naalala na nag bell na pala at kung hindi pa ako aalis dito ay tsak malilate ako kaya naman kumaripas ako para makahabol pa sa attendance. Buti naman at late pala ang teacher namin at nung pagpasok ko ng room ay nadatnan kong nagkukwentuhan sila Jenny at Ericka

"San ka galing Sammy girl? pag dating namin dito wala ka, pero 'yung bag mo nasa upuan" tanong ni Jenny

"Nagpunta ko dun sa tam--" hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin nung may bigla na namang sumulpot na epal at nasira na naman ang magandang umaga ko. Okay na sana dahil dun sa lalaki kaya lang sinira na naman ng kamalditahan ng Madeline na 'to

"Sumama na naman ang ihip ng hangin, grabe over polluted na ang lugar na 'to. Nakakasuka!" tapos biglang lumitaw ang mga alipores ni Madeline at dumagdag na rin sa kamalditahan ng amo nila.

"You're right Madz"

"Hindi naman maulan ngayon pero bakit nagsusulputan ang mga palaka dito? at kasama pa talaga ang reyna" yan si Ericka

"Sinong reyna ang tinutukoy mo? Me?" inis na tanong ni Madeline

"Hindi ba halata?" singit ko naman, sa mga ganitong pagkakataon dapat matuto din akong lumaban hindi 'yung lagi na lang akong nagpapaapi kaya naman nabubully ako eh. Mukha namang naintimidate at bigla na lang umalis sa harapan namin.

"Marunong ka naman palang mambara eh"

"Hehe, nahahawa lang ako sa inyo Jenny"

Habang nag lelesson ang techer namin sa Geometry hindi ako mapakali dahil sa katabi ko ang lalaking 'to na lagi na lang nakangiti na nakakapag bigay sakin ng to the max na kilabot. Grabe ang sarap niyang batukan pag nakikita ko siyang nakangiti.. Urgh. Naiinsulto ako!

Feeling ko nasa ibang mundo ako habang nagtuturo ang Geometry teacher namin at nung natapos ang time niya ay natuwa talaga ako ng sobra.

"Natapos din ang Geometry natin, grabe ang boring niyang teacher halos 'yung blackboard lang ang kausap nya. HELLO???? Di ba nya alam na nag eexist din tayo sa likod niya. Kulang na lang halikan nya yung board eh"

"Wag kang highblood Jenny. Calm Down"

"Oo nga naman tara snack nalang tayo."

"Good idea dahil naiistress ako ngayon gusto kong kumain ng chocolates" sagot ni Jenny na isa ring adik sa chocolates

"Baka tumaba ka nyan"

"Ano kaba, kahit kumain man ako ng madaming chocolates, kahit isang sako pa yan di ako tumataba"

Okayy! ikaw na

Sakto naman na nandun din sila Madeline at ang mga alipores niya at para bang ang seryoso ng pinag uusapan nila. Pagkatapos ng afternoon class namin ay nagpaalam na ako sa mga bestfriends ko, pero bago ako umuwi dumaan muna ko sa locker ko dahil may naiwan ako dun. Pag bukas ko ng locker ko ay nagulat ako dahil ang gulo-gulo na ng mga gamit ko tapos may kung ano pa akong nahawakan.

"Ano ba to? nakakadiri naman"

Pag kita ko para siyang glue pero hindi siya totally glue kasi kulay green 'yun at ang baho pa niya. Grabe di ko matake ang amoy nito kaya dali-dali akong pumunta ng cr. Pag bukas ko palang ng pinto may nalaglag galing sa taas at bumuhos sakin. Katulad 'yun nung nahawakan ko sa locker ko siguro katulad 'to nung nasa Eat Bulaga 'yung sa Pinoy Henyo pero ang pinagkaiba lang masyadong mabaho ang isang 'to

"Kaasar naman, sinong gumawa nito? Pano na ko uuwi nito"

Narinig kong may pumalakpak at nakita ko si Madeline at 'yung mga alipores niya. Sila ba ang may gawa nito?

"Hey Nerdy baby, masarap bang maligo? Kanina kapa kasi namin naamoy kaya pinaliguan ka namin. Dapat nga magpasalamat kapa dahil naka libre kapa ng paligo"

Confirmed ! sila nga ang may kagagawan

"Ano bang problema niyo?"

"Ikaw! ang sakit mo kasi sa mata"

Aba! hindi ko naman inaano ang mga mata nila ah!

"Pwede bang mawala kana lang?"

"Ang Sama niyo!" sino sila para pagsabihan ako ng ganun?! hindi sila ang nagpapakain sakin

Nilapitan ko sila at sinabunutan at syempre ang puntirya ko ay si Madeline at habang nagkakaroon ng cat fight ay may narinig akong yabag na papalapit sa kinaroroonan namin. Wala akong pakialam kung may makakita samin basta ang gusto ko lang mangyari ngayon ay ang makaganti sa ginawa ng mga 'to sakin

"Anong nangyayari dito?!" napalingon ako sa nagsalita dahil sa pamilyar na boses at paglingon ko ay nakita ko na naman siya at nakasigaw ako

"TULUNGAN MO KO!" bigla namang tumigil sa pagsasabunot ang mga babaeng 'to nung nakita nila 'yung lalaking nakita ko sa tambayan

"Bakit niyo sinasabunutan ang babaeng yan? Madeline, anong ibig sabihin nito?"

Magkakilala sila? Tsk! Syempre! hindi ba obvious Samantha?

"We're just playing around Sander"

Palusot ka pa dyan eh halos mapatay niyo na nga ako, tapos were just playing?

"I will tell to tita what happened here"

"No Sander! we're really just playing" sagot ni Madeline

"Parang balak niyo pa ngang patayin ang babaeng yan"

tama ka!

Dumistansiya na ang mga babaeng 'yun, "Argh! Lets go girls" tapos umali na lang na parang walang nangyari

Pinulot ko ang salamin ko at hindi pa rin talaga siya umaalis. So, Snader pala ang pangalan niya, kailangan ko siyang pasalamatan

"Ahm, salamat" tiningnan niya lang ako at saka tumalikod na siya at nagsimula ng maglakad papaalis ng locker room

Bastusan din ang isang 'yun pero malaki ang utang na loob ko sayo Sander

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now