CHAPTER 82 - Alone Together

Beginne am Anfang
                                    

"Tama na 'yan," awat ni Lola sa amin. "Isipin niyo nalang kung saan natin p'wedeng matagpuan ang kapatid ninyo."

I let out a deep breath while pacing back and forth.

"Hindi naman kasi gala -Kenshi! Tama. malamang si Kenshi ang kasama niya." ani Hopper.

"Paanong naging siya?" Kunot-nuong tanong ko.

"Bumisita si Kenshi kaninang umaga rito at hinayaan kong mag-usap silang dalawa. Wala namang masama ro'n 'di ba? may ginawa rin kasi ako kaya - "

"Gago ka talaga, Hop." singhal ko sa kapatid ko. "Tawagan mo si Kenshi, bilis!"

"Kumalma nga kayong dalawa." usal ni Lola Mau. "Hindi naman siguro papabayaan ng kaibigan ninyo ang kapatid n'yo hindi ba?"

"Oo, 'La, pero kailangan pa rin namang umuwi ni AM ngayon bago dumating ang mga magulang namin. Alam n'yo naman pong naging istrikto na sila matapos ang nangyari sa kanilang dalawa ni Saiyan." seryoso kong sabi. "'tsaka pa'no kung hindi naman pala sila magkasama ni Kenshi?"

"Sandali, tatawagan ko si Kenshi." ani Hopper as he fished his phone out of his jeans pocket.

"Bilisan mo."

"Heto na nga!" pinagtaasan pa ako ng boses. "Hello? Ang kapatid ko, kasama mo ba?" dinig kong tanong niya sa nasa kabilang linya. "Ano?! Fuck you! Bakit mo hinayaang mag-isa? Anong oras kayo naghiwalay?!"

"Anong sabi?!" sabad ko.

"Punyeta ka, Guttierez, kapag may nangyaring masama sa kapatid ko, magtagu-tago ka na dahil papatayin talaga kita!" Banta ni Hopper kay Kenshi bago pinatay ang tawag.

"Ano? anong sabi?" agad tanong ni Lola Maurita. "Nasaan daw si Sigrid, apo?"

"Hindi raw sila magkasama, Lola. Nagpaalam daw sa kaniya si AM na uuwi na kaninang alas tres ng hapon - "

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt