Three words, Eight letters, Say it and I'm Yours [30]

Magsimula sa umpisa
                                    

"Okay guys, so.. ayusin natin ang seating arrangement niyo? Pero.. Hindi naman ako tulad ng ibang prof. Lalagyan natin yan ng twist! Halimbawa.. Girlfriend ni Kean si Chanel. Ipagtatabi natin sila. E kung ex ni Chanel si Jacob ilalagay natin si Jacob sa likod ni Chanel. Iisip tayo ng pwesto.. Isa na rin yan sa pwedeng maging kuhanan niyo ng inspirasyon diba?"

ASTIG! Kung ano ano talaga ang naiisip ni Sir. Kaya ang ganda ng ice cream parlor niya eh! ^__^ basta ayun. Naayos na ang upuan ng iba. Yung iba sabi ni Sir, itatanong ang boys kung sino ang gusto nilang katabi sa girls. Yung ibang GF girls magkakatabi pa din kasi ang dami nila! Tapos ayun, magkakatabi sina Cass, Yael, tapos sa likod nila si Ivy at Cholo tapos si Ria at Luke, Bianca and Steve. Tapos ayun, turn ko na! Wahihi :D Itatabi nila ako kay..

ANIKA?! ANIKA?! ANIKA?! O__O BAKIT NAMAN GANITO!?

Sa right ko kasi si Anika nga tapos sa left ko si Jacob. Sa likod ko si Kean at sa right niya na nasa likod naman ni Anika ay si Gian! ASTIG! Sige lang. Magpapakabitter lang ako kapag may music! 2 hours pa naman to everyday tapos laging Monday and Wednesday pa! >:(

"I think, Okay na lahat? Next stop.. Magbubunutan tayo ng partner! Pero.. As usual hindi na naman ordinaryong bubunot sa papel. Old school! Boo. Ang gagawin natin, para sigurado ako na hindi kayo maiilang or mahihirapan sa magiging partner niyo, ang mangyayari yung katabi niyo at ang mga nasa likod niyo.. which means four na kayo. Kayo kayo ang magkakagroup. At for the second hour magkakaroon tayo ng game. It's entitled. "Who knows me?" Kasi magtatanung ako at dapat masasagot. Kung sino ang may pinakanakakakilala sa inyo e di yun ang magkagroup. Dapat Lalaki at babae kasi.. Blending ng voices ang isa sa main topics natin."

Nagnosebleed naman ako sa sinabi ni Sir! nakakaloka! Hindi ko naintindihan ang process! Sobrang daming paikot ikot! Mas gusto ko na ata ngayon ang magbunutan! JOKE! So.. Ayun, walang nagsasalita sa amin. Sobrang nakakailang at sobrang weird ng aura sa aming apat. Hanggang sa hindi na nakatiis ang bibig ni Kean. Kinausap ako. Pero hindi dinig nina Gian yun, medyo may gap sa seats namin eh. Magkatabi kami ni Kean sila ni Anika magkatabi.

"Hoi Courts."

"Oh?"

"Panis na laway mo!"

"Alam ko! Bakit naman ang malas. Ito namang si Sir Marco oh!"

"Ayos nga eh. Face to face. Pwede mong iprove na mas okay ka kesa diyan kay puti."

"Puti?"

"Ang puti kasi. Sobrang puti. Ang demure pa! Parang white lady."

Grabe naman to. Natawa tuloy ako sa sinabi niya! Ayan. Tawa lang ako ng tawa hinahampas hampas ko pa ang balikat niya! Ang kulit kasi! Ang sama ng ugali kay karibal! Haha :D Maya maya lumapit na si Sir Marco sa amin.

"Hmm, mukhang nageenjoy si Kean at Chanel ah." Grabe naman. Ayun. Napatahimik naman kami ni Kean doon. Sina Gian at Anika kanina pa walang imik. Hmm. Umalis na si sir. Chismoso!

"Ahem. Ahem. GAME! So.. Ano na ba dapat gawin?"

Ayun na nga, nilakasan ko na ang loob ko na kausapin ang dalawa. Una sa lahat, sila ang nanloko sa akin kaya sila dapat ang nahihya at hindi ako. Db Db?! Pero sa tingin ko nasayang lang ang effort ko. bakit?! KASI TINITIGAN LANG AKO NG TATLONG BUGOK! KASAMA PA SI KEAN! Grr. Napapahiya naman ako kay Gian masyado! >_<

"Sabi ko nga db shut up na lang? Sige sige. Kunwari may tumahol na aso."

Tapos, napatingin ako kay Gian. Umiwas siya ng tingin sa akin. -.- Palagi namang ganoon eh. Pero, nakatingin siya. So, Ayun. ganoon lang kami doon. Yung iba nagsisimula na nga game So kami nanuod na lang. NAKU PO NAMAN! 10.. 20.. 30 minutes. GRABE! PANIS NA ANG LAWAY KO! Hindi pa ako umiimik. Kung itatanong niyo si Kean? AYUN TULOG! Nakapatong pa ang ulo niya sa may balikat ko! NAMAN oh! kaharap pa naman namin si Gian! Si Anika naman nagsmile lang. PSH! If i know masaya yan kasi sweet kami ni Kean! >:( Asar!

[PUBLISHED BOOK] Three words, Eight letters, Say it and I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon