[11] Angry

758 15 2
                                    

Hiro’s POV

 Ilang batok ang nakuha kina Brylle, Andrew at Kevin dahil sa ginawa ko sa GA.

Hindi ko maintindihan pare. Bakit di mo sinundan?  Kevin.

Tanga mo pare. Andrew

Akala ko matalino ka bro. Ang gago mo. Brylle.

Di ko sila magets. Ano ba kasing ginawa ko? Kumanta lang naman ako eh. Maganda naman boses ko ah. Sintunado ba kaya nag-walkout si Aphrodite?

Pumunta ako sa bahay nila ngayon para magsorry kahit di ko alam kung anong meron. Nagdoorbell ako at buti nalang si Tita yung nagbukas.

"Oh, Hiro. Si Raine ba?"

"Opo."

Breakfast ka muna." Hinila ako ni Tita at pumasok kami sa bahay. Sakto namang bumababa si Raine galing sa kwarto niya.  

"Oh Raine, tara na. Sabay-sabay na tayo kumain." Ngumiti siya kay Tita at umupo na din sa table. Nginitian niya din ako, pero fake smile lang.

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Aphrodite sabay subo sa pagkain niya.

"Sunduin sana kita." 

"Ikaw na ba ang bagong driver namin?" Tinignan ng masama ni Tita si Aphrodite at nagpatuloy siya sa pagkain.

Natapos din ang napaka-awkward naming breakfast. Nagpaalam na kami (pero ako lang talaga kasi dirediretso lang si Aphrodite)

Nagmadali ako lumabas at napansing pasakay na siya ng tricycle.

"Hep hep, san ka pupunta?" Hinila ko yung kamay niya. Hinihigit niya yung kamay niya pero mas hinigpitan ko yung hawak ko sa kanya. Alam kong galit siya sakin at sa ginagawa kong to, lalo yung magagalit panigurado.

Hinila ko siya pasakay sa kotse. Pinaupo ko siya sa passenger seat at sumakay na din ako. Hindi siya umiimik. Hindi ko alam kung ano una  kong sasabihin. Ang layo pa ng UST, isang oras na byahe pa to.

S-sorry nga pala...” I stuttered. Tumingin siya sakin tapos bumalik na ulit yung tingin niya sa daan. Parang walang narinig lang.

Para saan?” Huminga nalang ako ng malalim. Hindi ko din naman alam kung bakit ako nagsosorry, di ko din naman alam kung bakit siya biglang umalis dun. 

Hindi ko alam. Basta sorry..." 

Ang awkward naming dalawa sa buong byahe. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit siya galit. Nagalit ba siya dahil si Aly yung kinantahan ko? Ang labo naman. Tsaka imposible yun. Wala naman siyang gusto sakin diba? 

Brylle’s POV

Hey there people! I’m Brylle de Ocampo, the mastermind. Pero syempre, kasama ko dito si Kevin. Alam kong naguguluhan kayo sa mga nangyayari, eto na ieexplain ko. Easy lang mga tsong.

Naaalala nyo ba nung tinanong ako ni boss kung paano ko daw nalaman na gusto ko si Tricia? Ayon, nalaman ko na agad dun na may gusto ng babae si boss at hindi siya bading. Nakahinga na ako ng maluwag kasi akala ko ako ang gusto niya. 

Tinawagan ko agad si Kevin kung kilala niya ba yung babae, at ayun. Boombastik, walastik. Si Raine nga ang babae. Nung una, syempre hindi kami okay dahil nga kinidnap namin siya pero nung nakilala ko siya narealize ko kung bakit siya nagustuhan ni Hiro. At kami naman ni Kevin, nagplano na ng paraan para mapaamin tong dalawang to na gusto nila ang isa’t isa.

Miss Butt-Kicker and The Cold-Hearted GuyWhere stories live. Discover now