[8] Lovers Lane

1K 20 6
                                    

Dedicated kay @shystormxxx, natuwa ako dun sa comment mo sa Chapter 7 eh. Tignan natin kung tama yung hula mo o manggugulo pa lalo? :))

Changed Humor to Teen Fiction. Whatcha think guys ?

MAHABA TO GUYS. Napasarap ng type. Sorry :(

Hiro’s POV

Aki Atashi” Hanggang ngayon nababagabag padin ako kung bakit magkapareho kami ng apelyido? Coincidence lang ba talaga yun? O sadyang may hindi tama?

Hindi ko napigilang itanong kay kuya ryuu kung may kilala ba siyang Aki Atashi. Kasi ako, parang pamilyar talaga sakin yung pangalang yun. Baka ako pala yun tapos hindi talaga ako namatay sa car accident at inilihim lang sakin ang mga nangyari. Nako, ang baduy. Ano ako? Feeling bida sa teleserye? Di naman nageexist yung mga ganun sa reality.

Pagpasok ko sa bahay, nakita ko si kuya na nanonood ng  basketball. Sino ba magkalaban? Ah.  Replay pala ng game 2 ng UST vs ADMU. Pinatay ko nalang yung TV kasi baka asarin lang ako nito kasi nga talo kami. Tss, palibhasa sa La Salle nagaaral. Siguro dapat sumali nalang kaming dalawa sa varsity para sikat kami parang Teng brothers lang. (Sila yung magkapatid na varsity ng UST at DLSU)

Bakit mo pinatay? Ayaw mo ba makita na matalo ulit kayo?” Ngiting loko yung adik na yun oh. Last week parang namatayan lang, tapos ngayon inaasar pa ako.

May importanteng itatanong lang kasi sana ako.”

Huwag mo sabihing itatanong mo sakin kung pwede ka na magkagirlfriend?!” Kumunot yung noo niya at aba, bakit ganito to makaasta? Kung itatanong ko ba sa kanya hindi siya papayag?

Tsss. Hindi yon, may itatanong lang sana ako kung may kamag-anak tayong Aki Atashi.”Napa-aaah nalang si kuya. Labo kausap nun minsan.

Pinsan mo yun. Makakalimutin ka na ba ngayon Hiro?” Napailing nalang siya. Pinsan? Bakit parang di ko matandaan?

Nagpunta kaya yun satin sa Japan nung highschool ka palang. Minsan, iniisip ko kung kapatid talaga kita. Akala ko nagmana ka pa naman sakin ng katalinuhan.” Tumayo si Kuya at ipinakita yung dalawang picture namin na magkasama. Yung una nung bata pa kami, tapos yung pangalawa nung highschool.

Mukhang tama nga si Aphrodite, magkamukha nga kami nitong pinsan ko. Syempre, nasa lahi naman namin yung gwapo. Aalis na sana ako ng may maisip pa akong itanong kay kuya.

Hindi mo man lang sinabi sakin na namatay yung pinsan ko?” Nakakapagtaka naman kasi diba? Kasi nga, ako nga si Aki. Maniwala kayo sakin readers. Nagka-amnesia lang ako tapos hindi ko na maaalala si Aphrodite. HAHAHAHAHAHAHAHA. Teka natawa ako dun. HAHAHAHAHA. Ano ba yun, hindi naman to teleserye.

Nung mga panahong yun, nagrerebelde ka kay Papa. Kung san-san ka nagpupunta, mas busy ka pa tumambay kasama mga katropa mo. Paano ko sasabihin sayo?” Ay. Oo nga, ano ba naman yan. Bakit di ako nagiisip?

Bakit mo ba natanong?”

Kakilala ko kasi yung ex nun. Kawawa naman umiiyak padin, isang taon ng patay si pinsan.” Hay aphrodite, ano bang magagawa ko para hindi ka na umiyak ng umiyak?

Ah! Yung magandang babae! Kawawa nga yun, nakita ko yun eh. Grabe, parang gusto na tumalon dun sa pinaglilibingan ni Aki.” Nandun pala si kuya? Sana pala nalaman ko para kung sakali man, nadamayan ko man lang si Aphrodite. Teka? Ano ba yung pinagsasasabi ko?

Pumunta na ako sa kwarto ko, binuksan yung libro dahil may quiz kami sa FinMa 1 (Financial Management 1). Oo, kahit naman ganito ako kasali parin ako sa mga dean’s lister. DL #10 ata to! Gwapo, matalino, mayaman. San ka pa?

Miss Butt-Kicker and The Cold-Hearted GuyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum