[18] The Other Side

653 17 11
                                    

Simmy's POV

"Xander, ano ba bitawan mo ako!" Hila-hila niya yung kamay ko at kinakaladkad ako palabas ng building.

(Si Xander po yung ex ni Simmy na napagkamalan ni Raine na si Hiro nung Chapter 1 - Picture at the Side Bar)

"Ano bang problema mo? Bakit ka ba nanggugulo? Masaya na kami ni Kevin!"

"Oh shut up! I know you want me! Wag mo ng gawing panakip butas yung kapatid ko!" Nasa may likod na kami ng building kaya wala masyadong tao.

Tinulak niya ako sa pader at nilagay yung dalawang kamay niya para pagitnaan ako. Nilalayo ko yung mukha ko sa kanya pero hinahawakan niya yung baba ko at ihinaharap sa kanya yung mukha ko.

Tae. Nag-weed ba tong si Xander? Three months na kaming nananahimik ni Kevin tapos bigla lang siyang nanggulo ano ba yan!

"Simmy, I want you back please..." Napa-smirk ako at tinignan siya sa mata.

"Ha! Want me back? Gago ka din no? You treated me like shit Xander!!! I'd never come back to you!" Sinipa ko yung 'ano' niya kaya nakawala ako.

Tatakbo na sana ako pero nahila niya padin ung kamay ko. Ang higpit ng hawak niya.

"No you're never coming back to my stupid brother!" Hinila niya ako papunta sa kanya at nilapit yung mukha sakin.

"Nooooooo!!!" And then everything went black. Nagulat nalang ako na nung pagmulat ko ng mata, nakakita ako ng gwapong anghel. Teka, anyare?

"Okay ka na?" Kinuskos ko yung mata ko at nagulat sa nakita ko. Hala! Si.. si..

Sino nga ba to?

"Thank you ha. Pero.. ano nga pala name mo?" Parang nagulat yung mukha niya. Kilala niya ba ako? Di ko kasi siya kilala eh...

"Zeke Vijandre, highschool schoolmate" teka, may kilala ba akong zeke? Vijandre parang meron... wait! Siya ba yun? Imposible naman..

"W-wait.. Ikaw ba si JE?" Napangiti siya at nag-nod.

"Yep. JE Vijandre, Joachim Ezekiel Vijandre"

Now, it's my turn para manlaki ang mata!! Grabe, he changed a lot mula nung magtransfer siya nung 3rd year kami! From a total nerd to a handsome and HOT guy!

"T-thank you nga pala.  P-pero... bakit ako nagblackout?" He smiled at me then laughed.

"Nung nakita ko kasi yung lalaki, naging reflex action na hilahin kita palayo sa kanya. Tapos nasobrahan kaya yun... bumagsak ka sa lupa." siya ng ulo.

"Hehe. Sorry!" Dagdag niya pa.

"Eh si Xander nasan?" Tanong ko habang patayo na ako sa kama.

"Ah... nasa kabilang kwarto. Malaki ata yung sugat." Natatawa niyang sagot. Wow, ang laki talaga ng gwinapo ni JE!

Bagay ngayon yung kantang...

Iba na ang yong ngiti 

Iba na ang yong tingin 

Nagbago ng lahat sayoooooo

"Babe!" Natapos yung daydream ko nung may biglang sumigaw. Napatingin kami pareho ni Zeke sa dumating. Si Kevin pala. 

Lumapit siya sakin at hinalikan niya yung gilid ng ulo ko tapos napatingin siya kay Zeke tapos tumingin siya sakin with a sino-yang-kasama-mo look.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Miss Butt-Kicker and The Cold-Hearted GuyWhere stories live. Discover now