[4] Strangers again

1K 28 13
                                    

 Raine's POV


"Ikaw na bahala jan kev!"


"Ayoko nga, amazona yan eh! Brylle ikaw na!"


"Ang babading nyo ako na nga!"

Unti-unti ko ng nararamdaman ang paligid ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at nakita ang asul na tubig na kumikinang dahil sa ilaw na tumatama dito. Anong ginagawa ko sa campus pool?

Napansin ko ang pamilyar na mukha ng apat na lalaki na mukhang bading kakatulak sa isa't isa. Naalala ko tuloy yung huling pangyayari bago ako mawalan ng malay.

"May sasabihin kami sayo"


"Sorry, next time nalang."


"Wala ng next time" at pumunta yung gagong yun sa likod ko at tinakpan ang bibig at ilong ko.

Kidnapper pala ang peg nitong mga to. At nakakainis lang bakit dito pa nila ako dinala sa pool eh pag sumigaw ako, rinig din sa labas. Tanga lang.

Nang biglang nagring yung cellphone ko, lumapit yung isa sa akin at kinuha ang cp sa bulsa ko.

Tinapon nya sa sahig yung cellphone ko. WALANGYA TO. IPHONE 5 YUN EH. joke. Myphone lang.

"Hmmmmmmm. Hmmmmm hmm hmmm." (Translation: P*tangina, pakawalan nyo ako) 


"Anong sabi mo? Gwapo ako? Alam ko na yun." Ang conceited naman nito. Mas gwapo padin si singkit sa kanya. Speaking of singkit, siya may pakana nito eh! Grabe siya, ang gago nya. Di ko siya mapapatawad.

Nagpupumiglas ako dun sa nakataling lubid sa likod ko. Oo. Hindi sila professional kidnappers dahil ang fail ng pagtali nila sa kamay at paa ko. Natanggal ko kasi agad yung lubid sa kamay at paa ko at pati yung tali sa bibig ko. Oha! Action star ako eh.

"San ka pupunta?" Tanong nung mukhang alpha boss at inutusan nya yung iba nyang katropa na tyansingan ako, este pigilan ako makatakas.

"Bitawan nyo ako!" Nung makapiglas na ako sa kanila, bigla umakmang susuntukin na ako ni alpha boss at dahil magaling ako, nakaiwas padin ako. Eh tumayo na yung tatlo at lumapit ng lumapit sa akin. Mukha silang mga gangster. Jusko po.

Lalabanan ko sana kaso masyado silang malalaki. Di ko kakayanin. Aki... nasan ka ba? Save me please. Please...

Pagatras ko, nadulas ako bigla...

"Aaaaaaaah!!!!" Nalaglag ako sa pool, pinulikat ako dahil nagkamali ako ng bagsak... hindi ako makalangoy. Hindi ako makagalaw. Susundan ko na ba si Aki sa langit? Magkikita na ba ulit kami?

*Blink* *Blink* *Hinga* *Hinga*

Miss Butt-Kicker and The Cold-Hearted GuyWhere stories live. Discover now