[14] Fake Prince

566 10 0
                                    

[14]

[RAINE'S POV]

Napauwi ako sa Las Pinas ng wala sa oras. May pasok pa ako bukas, pero kailangan kong makita yun para gumaan yung puso at isip ko. Gulong-gulo ako sa mga nangyayari.

You need to find your true prince, coz' I'm not the one

Paulit-ulit kong nariring yung boses ni Aki sa ulo ko. Panong hindi ikaw ang prince charming ko? 8 years! 8 freakin years tayong magkasama, na alam kong ikaw ang lalaking pakakasalan ko tapos sasabihin mo sakin hindi ikaw ang prince charming ko?

Nagulat sakin si Mama ng bigla akong dumating sa bahay. Humalik lang ako sa pisngi niya at dumiretso na sa kwarto ko. Lumuhod ako para abutin yung box sa may ilalim ng kama.

Kinuha ko yung box na punung-puno ng memories namin ni Aki. Una kong napansin yung santan flowers na binigay niya sakin nung bata pa kami, buti di masyadong nalalagas. 

Napangiti ako nung nakita ko yung pinakapaborito sa lahat ng binigay niya sakin. Kukuhanin ko na sana pero nung naalala ko yung Aki na nakita ko kanina, binitawan ko yun at binalik sa box.  Hindi ko na sigurado kung yung Aki na nagpromise sakin 8 years ago ay yung Aki padin na nakita ko kanina sa sementeryo.

Aki, anong nangyari satin?

[HIRO'S POV]

Kanina pa parang wala sa sarili yung si Aphrodite. Kapag tinatanong ng prof, walang masagot. Tapos, lagi pang nakatingin sa kawalan. Ano kayang problema nun? Ah, bahala siya. Ano namang pakialam ko dun?

Nung natapos yung second to the last subject, nagcut na ako ng klase. Katamad mag theology ngayon eh, bakit ba? Pumunta muna ako sa carpark para bumili ng milk tea. Naglakad-lakad muna ako sa may lovers lane, naalala ko tuloy nung niyakap ko si Aphrodite dito dahil namomroblema kung lilipat ba siya o hindi sa Ateneo. Hay, good times.

Dahil sa lumilipad ang utak ko, hindi ko nadin napansin na may makakabangga na pala sakin. Nabangga niya ako pero dire-diretso lang siya at hindi nagsorry. Badtrip yun ah! Tingignan ko kung sino yung nakabangga sakin...

Speaking of the devil -_- Si Aphrodite pala.

Sisigawan ko na sana kaso di talaga ako pinapansin, kaya napagpasyahan ko nalang na sundan siya. Nakita ko na parang tanga at wala sa sarili.. ediba mas mukhang tanga ako kasi sinusundan ko siya na parang stalker? AKO NA NAPAKAGWAPO! AKO NA MR. CBA! AKO NA NEXT MR. UST! STALKER NIYA?! The heck!!

Tumigil na din siya sa kakalakad at naupo na din sa may gilid ng grandstand. Ang dami-daming pinuntahan nito, tinitigan pa nga yung arch e. Abnoy talaga yun.

Paalis na sana ako kaso napansin kong parang may tumutulo na luha sa mukha niya. At ayun umiiyak nga. Grabe, tong siga na babaeng to mukhang maamong tupa kapag umiiyak. Hindi ko maiwasang hindi maawa eh. Ano kayang problema nito? 

Di ko namalayang lumalapit na pala ako sa kanya. Nung nasa tapat niya na ako, napatingin siya sakin at biglang nagpunas ng luha. 

"H-hiro? B-bakit *huk* ka nandito?" Sumisinghot pa talaga ng walang habas. Ano ba to, parang di babae.

"Wag mong isipin na sinusundan kita, sakto lang papunta ako sa publishing house tapos nakita kita." Wow, napakagandang alibi.

Tumalikod na ako at lalakad na sana paalis ng bigla niyang sabihin yung mga salitang ayaw ko marinig sa kanya.

"Thank you..."

"Thank you hiro." Ngumiti siya, yung ngiting nakapagpalambot ng puso ko noon.

Miss Butt-Kicker and The Cold-Hearted Guyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें