[17] Oh you make me smile ♥

641 20 3
                                    

Dedicated sa aking sister na si Sica. Hahaha. JeTi  FTW :DD

Hello! Say hi po sa ating bagong character! ♥ 

Welcome to the MBK&CHG valentines special.

[17]

Hiro's POV

Hindi ako pumasok ngayon kasi Valentine's Day. Nakakatamad eh, bakit ba kasi hindi official holiday yung araw na to?

Pero syempre, kahit tinatamad ako ngayon sobrang nag-effort ako para surpresahin si Aphrodite. Mahal ko yun no! Kahit araw-araw naman Valentine's ang ginagawa ko para sa kanya, gusto ko pa din makita niya na siya ang pinakaswerteng babae sa mundo. Hindi lang dahil napakagwapo ng boyfriend niya, pero gusto kong maramdaman nya na wala ng magmamahal sa kanya kagaya ng pagmamahal ko. Ang bading ko tae.

Dinial ko yung number ni Aphrodite at inintay niya na sagutin yung tawag.

"Oh bakit?" walang kagana-ganang sagot niya sakin.

"Bagal mo sumagot" 

"Panget mo. Wala ka bang sasabihin busy ako!" Bababaan pa ako ng tawag? May topak talaga to.

"Alam mo ba kung ano ngayon?"

"Edi thursday, di mo alam?" Ewan ko kung nakalimutan niya talaga na Valentine's ngayon o sadyang binabadtrip lang ako e -_-

"Oo. Thursday nga."

"May kalendaryo naman tumawag ka pa. Diyan ka na nga." 

"Bye." Ibababa ko na sana ung tawag ng bigla kong narinig na bumulong.

" Happy Valentine's Day." Nag-end na yung call at ako naman parang tanga nung narinig yung sinabi niya.

Akala ko aasarin niya padin ako pero binati nya padin ako. Hindi ko alam kung ginayuma ako nitong babaeng to eh. Iniisip ko nga kung paano ako nagkagusto sa babaeng sobrang sungit. Nung nagpamigay ata si Lord ng ka-sweetan, tulog to eh.

Hinanda ko na yung gitara ko, yung bouquet ng stargazer at pink rose na favorite niya, lahat ng mga bagay at taong props na kakailanganin ko para sa surpresa ko sa kanya. Hehehehehehehehehehehehehehehe

 [Raine's POV]

Hindi ko din alam kung bakit ko binati ng Happy Valentines si Hiro eh. Kaso kawawa naman, lagi ko nalang inaaway. Maging sweet kaya ako sa kanya ngayon? Kahit ngayon lang diba? Baka kasi magsawa sakin yun bigla. Huhuhu. Mahal ko yun kahit lagi ko inaaway no!

Papunta na ako sa school ng maaga kasi magla-library pa ako. Pagbaba ko galing sa condo, napansin ko agad na parang dangwa ang paligid ng UST! Ano ba to, kung single ka ang lakas na pangaasar sayo eh.

*lakad lakad lakad* I don’t care sa lahat ng sweet-sweetan ngayon dahil may boyfriend din ako no! Hmmp!!! Pakanta-kanta pa ako ng One Shot ng BAP habang naglalakad, gwapo kasi nila grabe! Galing pa sumayaw pero mas infinite fan padin ako! ;)

Nakapasok na ako ng gate ng mapansin ko na may lalaking nagbibigay ng isang malaking heart-shaped ferrero dun sa babae. Cute naman nila, parehong gwapo at maganda! Lalagpasan ko na sana ng makita ko sa peripheral vision na tinapon nung guy yung chocolates.

Sinabi ko na ngang ayaw na kitang makita! Bakit ba ang kulit mo!” Sigaw nung lalaki. Ibig sabihin yung babae yung nagbigay nung chocolates sa kanya? Tengene nun ah! Kapal ng mukha!!! Kakainis!!!

Umalis ng luhaan yung babae habang ung lalaki naman iniwan lang na nakakalat yung ferrero dun sa daanan. Sa sobrang inis ko, kinuha ko yun at tinapon sa likod nung mayabang na lalaki.

Miss Butt-Kicker and The Cold-Hearted GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon