Reality in My Dreams: Prologue

1.4K 40 9
                                    

Reality in My Dreams

 

Prologue:

Sabi nila, lahat daw nasa akin na. Maganda daw ako; matalino; mayaman; talented. Meron din daw akong gwapo at mapag-mahal na boyfriend.

Hindi nila alam, may magulo akong pamilya.

Sabi nila, ang swerte ko kasi masaya ako sa relasyon na mayroon kami ng boyfriend ko. Ang swerte ko daw kasi, going strong kami dahil 2 years na kaming mag-boyfriend. Akala ko, siya na ang ending ko. Akala ko, perfect na ang relasyon namin kasi ang saya namin; kasi mahal namin ang isa't-isa.

Akala ko lang pala 'yun.

 

Akala ko lang na mahal niya rin ako, katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Akala ko, masaya kami sa relasyon namin. Hindi pala.

Hindi ko alam kung anong nangyari. Masaya naman kami noon eh. Masaya kaming dalawa. Pero bakit isang araw. . .nakipag-break siya sa akin?

"Ayoko na, Suzette. Hindi mo ba maintindihan 'yon? Ayoko na. Break na tayo. Mahirap bang intindihin 'yon?"

Paulit-ulit.

Paulit-ulit nalang sa pandinig ko ang mga salitang binitawan sakin ng taong pinaka-mamahal ko. . .ng boyfriend ko. Or should I say. . .ex-boyfriend?

Ang sakit. We've been together for 2 years. Pero bakit kailangang humantong sa ganito?

Hindi ko matanggap. Sobrang sakit. Ang sakit lang na 'yung taong tinulungan kang makabangon matapos kang iwan ng ama mo, iiwan ka rin pala.

Sa bawat araw na dumadaan, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak, mag-mukmok at matulog. Hinihiling na sana, panaginip lang ang lahat. Na sana, isang bangungot nalang ang pangyayaring 'yon.

Na sana. . .magising na ako sa masamang panaginip na ito.

Kaso, isang araw, sa pagtulog ko, nanaginip ako.

Isang kakaibang panaginip.

 

Sa garden na maraming bulaklak na makukulay, nakaupo ako sa swing at umiiyak dahil sa pakikipag-hiwalay sa akin ng boyfriend ko. Bakit hanggang sa panaginip, dala ko ang sakit na ito?

Akala ko noong una, ito lang ang panaginip ko. Akala ko, hanggang sa panaginip ko, umiiyak at nagmu-mukmok ako. Pero may biglang dumating. . .

"Sino ka?"

"Hindi deserve ng isang tulad mo ang ganyan. Hindi dapat pinapa-iyak ang isang tulad mo. Tahan na. Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo. Marami pang tao dyan sa paligid mo ang nagmamahal ng totoo sayo."

May nakita akong lalaking nakaluhod sa harap ko habang nakaupo ako sa swing at umiiyak. Ngumiti siya sa akin. Inilagay niya ang dilaw na bulaklak sa tainga ko at ngumiti.

"Nice to meet you. . .again."

And after he said that, bigla nalang siyang naglaho sa paningin ko. Para siyang abo na tinangay ng hangin.

Hinanap ko siya, ngunit hindi ko siya nakita. Kinuha ko ang bulaklak sa tainga ko. Tiningnan ko ito. Pumikit ako para pakinggan ang mabilis na tibok ng puso ko habang hawak-hawak ko ang magandang bulaklak na ito. At pagmulat ng mata ko, nasa kwarto ko na ulit ako.

Panaginip lang pala.

 

Nagising akong may hawak na dilaw na bulaklak.

Ano 'yun?

Bakit. . .bakit may naramdaman akong kakaiba sa puso ko?

Bakit naramdaman ko 'yung naramdaman ko noong unang beses na maglahad ng kamay sa akin ang ex-boyfriend ko?

Anong misteryo ang bumabalot sa panaginip kong 'yon?

Bakit pakiramdam ko, napunan lahat ng pagkukulang sa akin matapos kong makita ang misteryosong lalaking 'yun sa panaginip ko?

May posibilidad ba na magkita kaming muli. . .kahit sa panaginip lang?

At kung mayroon man, may posibilidad kaya na magkita ulit kami. . .

Sa totoong buhay?

 ________

Author's Note:

        Yay! :D Bagong story, bagong genre! Hahaha. :D Seryoso, tatapusin ko na 'to, this time. :D Maniwala kayo sakin. Ang ganda kasi para sa akin ng story na 'to eh. Sana lang mapanindigan ko 'yung pagka-maganda ng plot na 'to. Sayang kasi eh. Sana maganda rin ang pagkakasulat ko. :3 And. . .sana magustuhan niyo. :D

-MarisolMariano ♥

(@MarissRocks_)

Reality in My Dreams [2014] ✅Where stories live. Discover now