RIMD: Dream #12

283 17 0
                                    

Reality in My Dreams

RIMD: Dream #12:

"Tree house?"

Nagulat ako nang may narinig akong magsalita sa likod ko. Paglingon ko, nakita ko siya. . .

"Kevin. . ." hindi ko siya matingnan ng mabuti dahil alam ko sa sarili ko na. . .meron parin. "A-anong ginagawa mo dito?"

"Dinadalaw ka lang. Next next week, pasukan na naman, eh. Busy na naman tayo." Umupo siya sa tabi ko at pinanood ako sa pagpi-pinta. Medyo distracted pa naman ako dahil nandito siya. "Ang ganda mo naman palang magpinta. Bakit hindi ko alam yan?"

Ipinagpatuloy ko na ang pagpi-pinta bago sumagot sa tanong niya.

"Dahil kahit kailan, hindi mo naman sinubukang alamin ang buong pagkatao ko." Ramdam ko na nabigla siya sa isinagot ko kaya dinagdagan ko pa. Baka kasi sabihin niyang sinusumbatan ko siya. "Pero okay na naman na sa akin yun, Kevin. Wag ka nang mag-alala or maguilty. Tanggap ko na ang lahat.At unti-unti na akong nakaka-move on. Salamat."

Totoo ang huling sinabi ko sa kanya. Unti-unti na akong nakakalimot sa sakit ng nakaraan namin, pero yung pagmamahal ko sa kanya, hindi parin nagbabago. At kailanman, hindi na magbabago.

"Pero gusto ko parin mag-sorry." Tinawanan ko siya at siya rin ay natawa na lang rin. Tumayo siya at tiningnan ang mga paintings na nasa wall ko at naka-sabit. Ipinag-patuloy ko na ang pagpi-pinta.

Ito na ang pangalawang painting ko para sa linggong ito. Una kong ipininta ay nung magka-hawak kamay kaming dalawa ni Reywen habang naglalakad sa gitna ng napaka-raming dilaw na bulaklak, katulad ng bulaklak na una niyang ibinigay sa amin. Kung ano ang suot ko noon, ganoon rin ang nasa painting ko. At kung gaano ako kasaya nung araw na yun, ganoon rin kasaya ang mukha ko sa painting ko.

Ang ipinipinta ko ngayon ay ang tree house na pinuntahan namin ni Reywen. Simple ang lugar pero payapa. Kita rin sa dalawang taong nandoon na masaya silang dalawa. Pero hanggang ngayon. . .

"Bakit walang mukha?"

. . .hanggang ngayon, wala paring mukha ang lalaki sa paintings ko.

"Hmm, hindi ko alam, eh." sabi ko sabay shrug ng balikat. Nakatingin siya sa ikalawang painting na ipininta ko. Yung araw na nakasakay kaming dalawa ni Reywen sa bike at masayang nag-iikot sa gitna ng napaka-raming bulaklak, kasama ang mga nagliliparan na mga paru-paro.

"Paanong hindi mo alam?"

"Hindi ko alam kung ano ang itsura niya."

Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. Siguro'y napapaisip siya sa mga sinasabi ko sa kanya. Ilang sandali pa, nagsalita na ulit siya.

"Ikaw ang nasa paintings mo, di ba?" bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko iyon. "Magkamukha eh. Mas masaya lang ang babaeng nasa paintings mo. Pansin sa mga ngiti niya na masaya siya."

Hindi ako sumagot. Hindi ko na rin naituloy ang ipinipinta ko dahil kinakabahan ako sa mga sinasabi ni Kevin. Magsasalita na sana ako para pigilan siya pero naunahan niya ako.

"Kung ikaw ang babae. . .sino ang lalaki? Bakit hindi mo maipinta ang mukha niya? Mukha kang masaya sa paintings mo pero bakit. . .bakit hindi mo maipinta ang mukha ng lalaking kasama mo? Sino ba siya?"

Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang sagutin ang tanong ni Kevin. Dahil siguro. . .alam ko na once na ipaliwanag ko sa kanya ang lahat, may posibilidad na hindi niya ako paniwalaan, or dahil ayaw kong malaman niya na. . .may iba akong nararamdaman para sa lalaking iyon. Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

Reality in My Dreams [2014] ✅Where stories live. Discover now