RIMD: Dream #14

271 17 1
                                    

Reality in My Dreams

RIMD: Dream #14

[A/N: Please play Sad Beautiful Tragic by Taylor Swift as a soundtrack for this chapter. Thankies.]

*~*~

♪♫♪Long,
Handwritten note,
Deep in your pocket. ♪♫♪

Tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang kakaibang ihip ng hangin sa kinalulugaran ko ngayon. Hindi pa man din ako nagmumulat ng paningin ay alam ko na kung nasaan ako.

♪♫♪Words,
How little they mean,
When you're a little too late. ♪♫♪

"Suzette. . ."

Ang mga malalalim na boses na iyon na matagal kong iniwasan.

"Suzette. . ."

Hinawakan niya ang mga mukha ko. Ang mga hawak niya. Ang mga hawak niyang matagal kong hindi naramdaman.

♪♫♪I stood,
Right by the tracks,
Your face in a locket. ♪♫♪

"Suzette. . ."

Rinig ko ang pangungulila aa boses niya kasabay ng pagyakap niya sa akin. Tumulo na ang luha ko nang gawin niya iyon. Ang mga yakap niyang matagal kong inasam.

♪♫♪Good girls,
Hopefully they'll be,
And long they will wait. ♪♫♪

Lahat ng ito ay nararamdaman kong muli ngayon.

Kumalas siya sa yakap niya at hinawakan muli ang mukha ko. Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang daliri niya.

♪♫♪ We had,
A beautiful magic love there. ♪♫♪

"Imulat mo ang mga mata mo."

Iminulat ko ang mata ko tulad ng sinabi niya at sumalubong aa akin ang isang pares ng mga itim na itim na mga mata ng taong kinatatakutan kong makita. Kita ko sa mga mata niya ang pangungulila at sakit na nararamdaman niya.

♪♫♪ What a sad,
Beautiful, tragic love affair. ♪♫♪

"Bakit. . .bakit mo ginawa iyon?"

Hindi ako makasagot. Natatakot akong magsalita. Mas gusto ko pa ang ganito. Nakatingin lang ako sa kanya habang pinupunasan niya ang mga luha ko. Pero ayoko ng mga nakikita ko. Ayokong nakikita na nasasaktan ang taong. . .posibleng mahal ko na nga.

"Suzette, magsalita ka, please."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko at nagsimulang magsalita.

"I'm sorry."

♪♫♪ In dreams,
I meet you in warm conversation. ♪♫♪

Hindi naging buo ang boses ko nang magsalita ako. Basag ang boses ko nang magsalita ako.

"Bakit mo ako iniiwasan?"

♪♫♪We both wake,
In lonely beds,
Different cities. ♪♫♪

Gusto ko siyang sagutin pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko dahil hindi ito tama. Hindi ito pwede. . .at ayoko pa.

"Bakit pinigilan mo ang sarili mong makatulog ng mahimbing at bumalik sa lugar na ito?"

Sunud-sunod lang na tumulo ang mga luha ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano sisimulan.

Reality in My Dreams [2014] ✅Where stories live. Discover now