RIMD: Dream #16

274 16 1
                                    

Reality in My Dreams

RIMD: Dream #16

Kanina pa ako nanonood sa bangayan ni Glezel at Bernard sa harap ko. Lunch break kasi ngayon. Ayaw pasabayin ni Glezel si Bernard sa amin.

"Doon ka nga sa chicks mo! Mukha ka talagang chickenfox na mahilig sa chicks. Eww." Sabi ni Glezel kay Bernard sabay tulak.

"Kaarte, oh? Selos lang 'to eh. Di ba Ms. Duque?" Sabi niya sa akin.

Tinawanan ko lang sila. Ms. Duque talaga tawag sa akin ni Bernard. Mukha daw kasi akong kagalang-galang.

"Ayaw nga kitang kasabay! Doon ka sa chicks mo. Ayun oh!" Sabi ni Glezel sabay turo sa isang table na may tatlong babae na naka-tingin kay Bernard. Tinaasan ko ng kilay si Bernard, sign na sundin niya si Glezel.

"Okay fine whatever. Tss." Sabi ni Bernard saka umalis dala ang tray na may pagkain at pumunta sa table ng tatlong babae.

Napatingin naman ako kay Glezel at namumula na siya sa inis habang nakatingin ng masama kila Bernard.

"Tingnan mo yung abnormal na yun! Sabi niya sa atin niya gustong sumabay. Tapos ngayon, pumunta naman sa malalandin yun. Kainis!" Naiinis na sabi ni Glezel habang kumakain.

"Ang arte mo kasi. Ba't ba tinataboy mo yung tao? Gusto lang sumabay eh."

"Hindi ba niya gets na babae ako at nagpapakipot lang ako?" Bulong sa akin ni Glezel. Natawa naman ako doon.

"Bakit kasi kailangan pang magpakipot?"

"Para malaman mo kung seryoso ba talaga sayo ang isang tao. Hay, nako. Bahala nga siya sa buhay niya. Isa talaga siyang bulutong na tinubuan ng mukha. Tss!" Sabi ni Glezel at galit na kumagat sa fried chicken niya.

Pffft.

**

Sa baking class namin, pinag-bake kami ng prof namin ng cake. Partner ulit. Magka-partner kami ni Glezel dahil hinila niya kaagad ako at nagpasa ng papel na may pangalan naming dalawa pati ang flavor ng cake na ibi-bake namin.

"Mr. Gamboa, bakit wala kang kapartner?" Tanong ni Ms. Pineda kay Bernard.

"I can bake alone, Ms. At yung kapartner ko kasi, may kapartner na eh." Sabi ni Bernard sabay tingin kay Glezel. Nakita ko na naman ang pagka-ilang sa mukha ni Glezel. Natawa tuloy ako. Kinurot ko siya sa tagiliran.

"Ouch!" React niya sabay tingin sa akin ng masama.

Habang nasa kanya-kanya kaming station ng lutuan namin, ginugulo kami ng katabi namin na si Bernard.

"Eto naman! Paano kami matatapos, puro ka hiram? May sarili ka naman sigurong gamit? Tssss!!!" Bulyaw ni Glezel.

"Tss. Damot mo, bansot." Sabi ni Bernard sabay pahid ng icing sa ilong ni Glezel. "Hahahahaha!"

Hinampas naman ng spatula ni Glezel si Bernard.

"Mr. Gamboa! Ms. Granito! Kanina pa kayo nag-aaway dyan, ah? Lumabas na nga kayo!" Bulyaw ni Ms. Pineda sa dalawa.

Galit na galit na naman na tinanggal ni Glezel ang apron niya bago sila lumabas ng baking station.

So. . .ibi-bake ko mag-isa 'tong strawberry cake na paborito ni Glezel?

**

"Ms. Duque, you're really the best in our class. Your cake is so deliscious. The chiffon is perfectly baked and the icing is not very sweet, but this is so deliscious. Your icing is perfect and the chiffon is so soft and deliscious. The design of your cake is nice. Very nostalgic. It's like a nature on top of the strawbery cake. You almost made the cake perfect. Congratulations!" Sabi ni Ms. Pineda after niyang matikman at iexamine ang cake na ginawa ko kahit medyo nalate dahil nga ako lang mag-isa ang gunawa.

Reality in My Dreams [2014] ✅Where stories live. Discover now