RIMD: Dream #20

241 17 0
                                    

Reality in My Dreams

RIMD: Dream #20

Mabilis akong bumangon oras na maimulat ko ang mata ko mula sa pagtulog. Nakahawak rin ako sa dibdib ko at hinihingal na para akong nakipag-karera.

Panaginip.

Yun ang karaniwang panaginip na napapanaginipan ko bago ko makilala si Reywen. Yung hindi ako aware na nananaginip ako. Yung iba yung pakiramdam. Iba ito sa panaginip kung saan nakilala ko si Reywen.

Ganitong klase yung panaginip na napanaginipan ko nitong mga nakaraang araw, sa tuwing napapanaginipan ko na may masamang nangyayari kay Retwen. Ganitong-ganito iyon.

Bumaba ako at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Umupo ako sa isang upuan. Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Dumukmo ako at tahimik na umiyak. Nasasaktan ako. Alam ko na hindi totoo yung panaginip ko kanina pero bakit sobrang sakit parin para sa akin? Narinig ko na may humila ng upuan sa gilid ko kaya napaangat ako ng tingin. Nakita ko si Allaine. Ngumiti siya sa akin.

"Pwede mong sabihin sa akin yung problema mo, Suzette. Para na rin kitang anak." Nakangiti niyang sabi. Yumakap lang ako sa kanya at mahinang humagulgol.

"Wala, Allaine. Wala lang 'to." Sabi ko habang humihikbi.

"Nirerespeto ko naman ang buhay mo. Hindi naman kita pipilitin na sabihin sa akin yung problema mo kung ano man 'yan. Pero kung gusto mo ng kausap. . .nandito lang ako. Hindi naman ako umaalis ng bahay kaya madali mo lang akong makakausap." Sabi niya habang hinahagod ang likod ko.

Hindi ko alam kung bakit nagawa ko kay Allaine lahat ng kamalditahan ko noon, at hanggang ngayon. Itinakwil na siya ng Mommy at Daddy niya kaya nandito na siya sa amin tumira kahit na hindi pa sila kinakasal ni Papa. Ayaw na rin naman kasi ni Allaine. Isa pa, hindi pa annulled si Mama at Papa. Ang importante lang daw sa kanya, nandito siya. . .kasama kaming mga tao na itinuturing niyang pamilya.

"I'm sorry sa lahat, Allaine. Sorry sa lahat ng nagawa ko sayo. I'm sorry, ang immature ko. Sorry dahil sarili ko lang ang inisip ko. At sorry din dahil. . .dahil ako ang dahilan ng pagkamatay ng anak mo."

Humigpit ang yakap sa akin ni Allaine at naramdaman ko ang pagngiti niya dahil bahagyang gumalaw ang panga niya.

"Wag mo nang isipin yun,Suzette. May mga bagay na ibinabaon na lang sa limot at hinahayaan sa nakaraan para mabuhay ng maayos sa hinaharap. At may mga tao rin na kahit gaano mo sila kamahal, kailangan mong ilet go para sa ikabubuti ng lahat. So, be brave sa lahat ng challenges, Suzette. Hindi ka namin iiwan ng Papa mo at ng mga kaibigan mo."

*~*~

[A/N: Please play Last Kiss by Taylor Swift. Thanks.]

Pakiramdam ko ay binibigyan ako ni Lord ng mga signs, na kailangan ko nang ilet go yung kaisa-isang tao na nagparamdam sa akin na mahal niya ako kahit na hindi pa kami nagkita sa tunay na lugar. Dito sa mundong tinatapakan ko.

Dahil sa huling sinabi ni Allaine sa akin, at ng mga tao sa paligid ko na patuloy na ginagabayan ako sa challenge kong ito, nagkaroon ako ng lakas ng loob na harapin ang problema kong ito. Na ilet go ang taong minahal ko dito sa mundo ng panaginip.

At ngayon. . .nandito ako sa lugar na iyon, kaharap ang taong matagal ko nang hinihintay na magpakita sa akin.

♪♫♪ I still remember,
The look on you face.
Lit through the darkness,
At 1:58.
The words that you whisper,
Just as to know.
You told me you love me,
So why did you go away. ♪♫♪

Reality in My Dreams [2014] ✅Where stories live. Discover now