RIMD: Dream #19

273 18 0
                                    

Reality in My Dreams

RIMD: Dream #19

Dahan-dahan akong lumabas ng bahay. Hinubad ko pa ang suot kong tsinelas para masigurong hindi ako makagagawa ng ingay. Pagkalabas ko ng bahay, nakita ko si Kevin na nakatayo sa labas. Ngumiti siya sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya. Dahan-dahan kong isinarado ang gate at naglakad palapit sa kanya.

"Kamusta?" Tanong niya. Nag-shrug na lang ako ng balikat. Naglakad-lakad na kami palayo sa bahay namin.

"Anong naisip mo at inaya mo akong lumabas ng ganitong oras?" Tanong ko.

"Masarap maglibot kapag ganitong oras. Hindi mainit tsaka hindi matao. Tsaka napapansin ko kasi nitong mga nakaraang araw na parang may problema ka, eh. Baka lang makatulong ako na mabawasan kahit papaano yung problema mo. Alam mo na. Gwapo kasama mo."

Natawa ako at napairap sa kanya bago sinuntok siya sa braso.

"Yabang mo talaga kahit kailan. Paksyet ka." Natatawa-tawa kong sabi.

"Kidding aside, mukhang mas okay ka na ngayon kesa kanina." Sabi niya. Ngumiti ulit ako.

"Okay na kami ni Papa, eh. Nagkausap na kami kanina. Ipinaliwanag na niya sa akin lahat. Mas naiintindihan ko na ang lahat ngayon. Siguro, masyado niya lang minahal si Mama kaya sobra siyang nasaktan nung iniwan niya kami. Naiintindihan ko naman, eh. Ang ikina-sama lang ng loob ko noon, bakit hindi man lang niya naisip na. . .nawalan rin naman ako ng ina, di ba? Pero okay na sa akin. Masaya ako na maayos na kami. Umaasa parin ako na magkikita kami ni Mama. Alam kong babalikan niya ako. Kahit gaano kataga, hihintayin ko siya. Ang hinihiling ko na lang ngayon, sana maging maayos na lahat ng nagpapagulo sa buhay ko. Masyado na kasing maraming problema meron ako, eh. Iniisip ko nga, ano bang kasalanan ko para maranasan 'to lahat? Bakit pakiramdam ko, pinaparusahan Niya ako?"

Hindi ko kaagad namalayan na umiiyak na pala ako habang nagsasalita. Nalaman ko na lang nung huminto sa paglalakad si Kevin at pinunasan ang pisngi ko.

"Kevin. . .hanggang kailan ako magpaparaya? Hanggang kailan ako magsasakripisyo ng mga taong mahal ko? Hanggang kailan ko isasakripisyo ang sarili kong kaligayahan para maging maayos lang ang lahat? Sobrang masakit na kasi dito." Sabi ko tapos itinapat ang kamay ko sa kaliwang dibdib ko. "Sobrang sakit, pakiramdam ko, mamamatay na ako."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako para yakapin. Nakatapat lang ang tenga ko sa dibdib niya at rinig ko ang mahinahong tibok ng puso niya. Nakahawak ang isang kamay niya sa ulo ko at ang isa naman ay nasa baywang ko.

"Alam mo, Suzette, habang nabubuhay ka, hindi matatapos ang pagsasakripisyo mo. Sa bawat pagsubok sa buhay, para maging maayos ang lahat, kailangan may magsakripisyo."

"At kailangan laging ako?" Giit ko. Kumalas ako sa yakap. "Pero unfair eh. Unfair na. Bakit kung kailan masaya na ako, tsaka ko kailangang isakripisyo yung tao o bagay na dahilan ng kasiyahan ko? Kevin, ayoko nang magparaya. Gusto ko nang maging selfish kahit ngayon lang. Mahal ko yung taong sinasabi niyo na isakripisyo ko para maging maayos ang lahat, eh. Isinakripisyo na nga kita, eh. Bakit kailangan pati siya?"

Umiyak ako ng umiyak matapos kong sabihin iyon. Takip-takip ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko habang umiiyak. Hindi nagsalita si Kevin. Ilang saglit akong humahagulgol at tahimik si Kevin bago siya nagsalita.

"Sino ba ang mahal mo? Sabihin mo na sa akin lahat lahat ng nangyayari sayo. Hinding hindi kita huhusgahan."

"Hindi mo ako paniniwalaan." Giit ko.

"Maniniwala ako. Pangako "

'Yon na siguro ang naging cue ko para sabihin ang lahat sa kanya.

"I am experiencing a lucid dreaming." Bakas sa mukha niya na naguguluhan siya sa sinabi ko kaya ipinagpatuloy ko na ang sinasabi ko.

Reality in My Dreams [2014] ✅Where stories live. Discover now