Chapter 3: Chander

2.1K 39 2
                                    

Jea's POV

Unti-unting bumubukas yung window ng driver's seat. And I saw him.

SERIOUSLY?!

Sya? Sya ang may-ari nyang gwapong kotse sa harap ko??

Si Kris Michael Go, na nanlibre sakin ng chocolates & ice cream? Na nakilala ko lang kanina? At nagpumilit na maging bestfriend ako? Ohmygosh!!! Nakatulala pa din ako sa kanya at sa kotse nya

"Hey!!"

"Pst huy!"

"JM!"

Natauhan ako nung may binato sya sakin. Tiningnan ko. Tissue lang pala. "Yuck! Ba't moko binato ng tissue? Baka kung san mo pa pinamunas yan. Eew!"

"Hoy hindi ah. Pumasok ka nga lang sa loob. Hatid na kasi kita"

"Sayo yan?" tanong ko.

"Ofcourse."

"Weh?"

"Oo nga, mayaman ako JM. Hahaha. Gwapo ko na ba?"

"As if." I rolled my eyes

"Hahahaha. Sabi mo dala mo kotse mo? Oh asan na? Bakit naglalakad ka?"

"None of your business." sabi ko, nagpatuloy na kong maglakad. Pakipot muna ng konti

*beeeeep*

Tinakpan ko yung tenga ko sa sobrang lakas ng busina nya. What the hell?!

Nilingon ko sya. "Ano baaa?!"

"Come on. Get in. Ang choosy mo. Wala kong gagawing masama sayo. Wag kang feeling"

Anak ng! Pinangangalandakan nya talagang di nya ko type ano?  Wala na kong nagawa kundi bumalik sa kanya. Inintay kong pagbuksan nya ko ng pinto. Aba ang loko ayaw ako pagbuksan.

Padabog kong binuksan yung door. "Dahan-dahan lang uy, baka masira mo yan. Bagong-bago pa 'tong kotse ko"

"Che! Ihatid mo na lang ako."

"Hahahaha. Joke lang, sige ituro mo nalang."

Hinatid nya ko sa bahay at nagpaalam na sya.

After kong magprepare for school, sumakay na ko sa pink chevrolet ko. Bongga diba? Ang bitch ng dating ko pero color pink yung car ko? Hahaha. Who cares anyway?

*NEU parking lot*

May sarili akong place ng parking lot dito, ako lang may rights na magpark dito.

Bubuksan ko sana yung pinto ng kotse ko nang biglang may bumukas ng door ng passenger's seat. Pumasok ang isang gwapong lalake. Naka-brush up ang buhok, medyo chinito, moreno. I think tama lang ang height, naka-uniform sya na pang-NEU. Walang suot na I.D kaya hindi ko alam kung highschool sya or college. Wait... Bakit sya bigla-biglang pumapasok sa kotse ko? Is he going to flirt with me?

"Miss Casanova.... How are you?" malanding tanong nya.
"I'm good" I smiled. Di makukumpleto ang araw ko hangga't hindi ako nakikipaglaro. Hahaha.

*snap* After 3 secs.

Nagtwinkle ang mga mata nya habang nakatitig sa akin.

"Do I know you?" I asked. Pero sweet pa din yung tone ng boses ko. Mapang-akit.

"Seriously? Hindi mo ko kilala?"

"Why? Famous ka ba?"

"Yeah, I guess. Anyway, I'm Paolo Ramos *winks*"

Jea: The Casanova Queen (Completed)Where stories live. Discover now