Chapter 12: Pizza moment

1.3K 22 1
                                    

Jea's POV

"Bebe? Huy bebe!"

"Be? Ba't tulala ka jan?"

Napabalik ako sa reyalidad nung tinapik ako ng malakas ni Keana sa balikat.

"Ahh. Wala, wala" sabi ko nalang.

"Kanina pa kaya kita tinatanong, nakatulala ka lang dyan habang nakahawak ka sa lips mo. Bangag ka yata. Yung totoo? Is there something 'you know' happened last night?" -Keana

"Wala"

"Our friend Jea is being malihim na. Hindi na sya nagshe-share" sabi naman ni Leila sabay pout.

"Oo nga bebe, bigla nalang naglaho si poging Jaden tapos ikaw naman bigla na lang din umaalis. Magkasama ba kayo?" -Sherrina

"Ha? Hindi ah. Hindi kami close nun. Sabi ko nga sumama yung pakiramdam ko." Pagdedeny ko. Di pa ko ready-ing magkwento.

"Sabi mo eh"

Nandito pala kami ngayon sa garden, kami lang apat. Lunch break at wala yung boys. Malay ko kung nasan.

Suddenly, naalala ko ulit yung kiss namin ni Jaden Morris. Sht lang! Heaven talaga. Sobrang hiyang-hiya din ako nung maglapat yung labi namin. That was supposed to be on the cheeks. Bigla naman kasi syang humarap sakin eh. JUSKODAY! As in sobrang namula talaga ko sa harap nya, hindi dahil sa kilig. Kundi sa kahihiyan.

And guess what I saw? Nahuli ko sya... Nahuli ko syang NAMULA! Wahahahaha. Promise, nakita ko talaga since maliwanag nun sa parking lot. HAHAHAHA! Parang gay ampotek!

Tapos syempre tumakbo na ko agad nun pabalik sa kotse ko, baka mamaya sapakin ako bigla nun eh. Mabuti nang sure. Pinaharurot ko yung kotse pauwi.

At habang nagda-drive ako, napapahawak ako sa lips ko. Napapangiti pa nga ko. Nyaaaa! Kung umarte ako akala mo first kiss yung feeling. Hahaha! Akalain mong naramdaman ko ulit yung ganung pakiramdam.

"Huuuuuyy!" natauhan ako nung may tumulak sakin sa likod ko nang pagkalakas-lakas. Tung-unuhh! Muntik pang masubsob yung maganda kong mukha sa damuhan. Nakaupo kasi kami sa grass na may malaking puno. Feeling highschool lang.

Tinignan ko nang sobrang sama yung taong tumulak sakin. And it was Leila. "Hehe, peace" sabi nya habang naka-peace sign pa.

"Why did you push me?" tanong ko nang pagalit.

"Eh ikaw naman kasi eh, you were tulala again kanina. You didn't even notice nga yang guy sa harap mo oh. He has been calling you kaya kanina pa and you were like baliw dyan na iiling then mag-iismile. You're so nakakahiya bebe. You know that?" maarteng pagpapaliwanang ng Conyo Queen na si Leila.

Ghad! Natulala na naman pala ko at nakakahiya dahil dito pa sa harap ng gwapong ito.

I rolled my eyes and faced this guy.

"Sorry about that. What do you want?" I smiled.

"Uhh... ano kasi eh... Yayayain sana namin kayong mag-lunch" he said.

"Namin?" sabay-sabay na tanong naming apat.

"Yeah. Nandun yung iba kong kasama oh," tinuro nya sa kabilang banda yung iba pang mga lalake dun sa ilalim ng puno. Tingin ko nasa lima sila.

"Nahihiya kasi silang lumapit sa inyo kaya ako nalang nag-approach. Is it okay with you girls?" ngumiti sya? Omg. He has dimples. Both cheeks.

Isa lang naman sa amin ang mahilig sa lalaking gwapo na may dimples. The three of us looked at Keana. Hahahahaha! Nagtu-twinkle na po ang mga mata nya.

Jea: The Casanova Queen (Completed)Where stories live. Discover now