Chapter 41: Fall

923 20 0
                                    

Jea

"I'm not mad. I'm hurt. There's a difference."

Iyan ang huling sinabi nya sa akin. Paulit-ulit na nagre-reply sa utak ko yung itsura nya noong araw na iyon. Tatlong araw na ang lumipas pero hindi ko pa rin sya nakikita. Hindi sya nagpaparamdam.

Busy din kasi ako sa pagpapatakbo ng school. And Jon is helping me out too. Nag-invest sya ng malaki sa NEU kaya isa na sya sa mga stockholders ko, which is a good thing.

Nandito ako ngayon sa office. Still thinking about what he said three days ago. It keeps on bothering me up until now. What did he mean? Was he really hurt? And why? Ang daming tanong sa utak ko. I need answers! But I'm not ready to face him yet. Hindi ko tuloy matapos-tapos itong post projects ng school. I can't even focus!

"Hi bebe, patambay." Bungad ni Keana papasok nya sa opisina ko. Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Not in the mood?" She asked, sitting on the sofa.

"I'm bothered."

"About? Stress ka na naman."

"It's about Morris."

She sighed, "Malakas na talaga tama mo sa kanya. Sya na naman?"

"I need answers. Nai-kwento ko naman sa inyo diba? Anong ibig sabihin nya dun?"

Lumapit sya sa akin at umupo sa isang upuan sa harap ng table ko.

"Miss President, stop stressing yourself. He's just Jaden. He's just a guy."

"He's not just a guy." Napangisi sya sa sagot ko na para bang may naipagtanto syang bagay.

"Fine. Need answers? Why don't you call him? Para matapos na iyang problema mo."

"I can't. Nahihiya na ako."

She laughed, "Oh my! Ikaw? Nahihiya? Hahahaha."

Inirapan ko sya, "Wala akong panahon makipag-biruan." Bigla syang umayos ng upo nang makitang seryoso ako.

"Tawagan mo na kasi. Confront him. Para malinaw na diba?"

"Papayag kaya sya?"

She took my phone on my table and dialed someone in my contacts without asking me. What is she doing this time?

"Hello?" Bungad nya.

"Sorry to disturb you. This is Keana and my friend wants to talk to you personally." Oh no. Don't tell me si Morris ang kausap nya?

"Yes, she's here. Nahihiya kasi sya sayo. Okay lang ba?"

Nanlalaki ang mga mata ko sa ginagawa nya. Jusko, ipinapahamak nya ata ako!

"Great! Thanks." Sabay baba nya ng tawag. She then faced me.

"Mamaya daw. Abandoned room. 5 pm."

"What?" Halos pabulong na sabi ko.

"Uulitin ko pa? Teka, saan ang abandoned room?"

Umiling ako, "wala, hindi ko alam. Is he mad?"

Napaisip sya, "Mukhang hindi naman. I think he just woke up."

Jea: The Casanova Queen (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat