Chapter 23: Beware

1K 20 0
                                    

Jea

Habang sumusunod ako sa sasakyan ni Morris di ko mapigilang tumawa. Ang cute cute kasi ng expression nya sa sinabi ko. Pfft. Para sa kapakanan din namin yun. Baka mamaya maaksidente kami sa kaharutan ko eh.

Pero infairness, pumunta pa talaga sya sa bahay para lang ibalik yung anklet ko. At in-offeran pa ako ng ride? Hmm, baka mamaya sya mismo ang i-ride ko. Hihihi silly Jea.

Pagkarating ko ng parking lot, nandoon lang sya sa tabi ng sasakyan nya, inaantay akong lumapit sa kanya. Sorry bae, papakipot muna ako. Nilagpasan ko sya at dumiretso na sa gate ng school.

Hindi ko naramdamang sumunod sya hanggang sa makarating na ako sa tapat ng elevator kaya naman lumingon ako... where did he go?

"That was rude."

Napatalon ako sa gulat, bigla ba naman syang sumulpot sa harap ko. Inirapan nya lang ako at diretso syang pumasok sa loob ng elevator. Tinitigan ko muna sya bago pumasok sa loob. Naku po, dalawa lang kami dito.

"I don't know if I would get mad at you or not. Because right now I'm totally annoyed." Dire-diretsong sabi nya para bang inis na inis.

"Why?"

"Tss. Don't play innocent," he said while looking at my reflection.

Napangiti ako ng lihim, "I am innocent."

He just rolled his eyes kasabay nun ang pagbukas ng elevator. Sabay kaming lumabas at sinabayan nya rin ako sa paglalakad.

"You're being a gentleman," I said.

"Am I?"

"Yep. First, you picked me up at home. Second, you offered me ride. And third, you're accompanying me to the Ruiz's Hall. That's so sweet." Pagkasabi ko nun, huminto na ako sa tapat ng Hall. Habang sya dire-diretsong naglalakad na akala mo hindi ako kasama. Saan pupunta 'yon?

"Where are you going?"

Huminto sya at sumulyap sa akin, "I have class to attend. Don't assume," he said as he entered the room.

HOLY COW! Nakakahiya!

Iritado akong pumasok sa Hall at pabagsak na umupo sa chair. Takang-taka naman yung dalawang judges na kasama ko.

"Got a problem?" asked Rica.

"Don't talk to me."

Finally, the audition has done. Three days lang yung audition sa dancing and singing, pero yung audition para sa banda, two days lang. Makakapagpahinga din. Darn! I feel dizzy.

I decided to go home and take a long rest. Habang naglalakad ako, ang daming lalaking humaharang sa dinadaanan ko. Jeez. Ang lalandi talaga ng mga lalake. Bwiset. Buti kung si Morris kayo, go lang.

I was walking in the parking lot when a bunch of girls blocked my way. They look like sluts, seriously. Ang iiksi ng mga skirt nila. At ang kakapal ng make-up.

"Excuse me, as far as I know, this is a parking area and not a night club." I said bluntly.

"Hah! Ang tapang pala ng babaeng 'to eh. Excuse me rin, don't you even know us?" sabi nung babaeng blonde ang buhok na nasa gitna.

"Are you that important for me to know? Hmm, maybe you are what they called 'pick-up girls?'"

"How dare you say that to our leader?" sabi naman nung katabi nya. Pfft.

"Wait, don't tell me you are some kind of... a stupid gangsters?" muntik na akong matawa sa sinabi ko.

"WE ARE THE MEMBERS OF NEU PEP SQUAD!" sabay-sabay na sigaw nila. Woah! Cheer dancers nga sila, ang bongga ng chant eh. Hahaha praktisado. Should I be amused now?

Jea: The Casanova Queen (Completed)Where stories live. Discover now