19- QUEEN ENCHANTS (7)

1.2K 41 0
                                    

FERNANDO... THE TIPAKLONG!?

"KYAAHHHHHHHHHHHHHHH!!"

Napatili agad ako ng makita ko ang isang tipaklong na ngayon ay namimilipit sa sakit habang tinatakpan ang tenga sa lakas ng hiyaw ko.

Napalingon naman ako sa pintuan ng biglang dumating si Kashton kasama ang Mahal na Reyna ng nag-aalala na nakatingin sa akin. Walang sabi ng pumunta agad sa direksyon ko ang Mahal na Reyna at hinawakan ang kamay kong nanginginig sa takot.

Ayoko sa tipaklong!

"Anong nangyari dito Sehana?", Seryosong saad nitp pero bakas sa mukha nito ang pag-alala. Hindi ako makapagsalita dahil hindi pa rin ako maka-get over. Tipaklong? Nagsasalita?

I cannot!

Mukhang alam na siguro ng Mahal na Reyna dahil nabas niya siguro ang nasa isip ko. Inilibot niya ang kanyang mata sa kwarto ko at napunta naman ang tingin niya sa kama ko kung nasaan ang tipaklong na ngayon ay nakatayo habang nakayukod. Napalaki naman ang mata ko sa gulat.

Pustpa?

Eme lang ako dito at gulat na gulat ng makita ko siyang nakatayo. Yes nakakita na akong tipaklong because of the tv series or a Movie. Pero.... nananaginip ba ako ng gising? Pakisuntok naman ako ng isa?

Pero hindi ito panaginip! Totoong totoo ito walang halong biro. Siguro kahit ilang beses pa akong sampalin ay totoo pa rin ito!

"Fernando, kamusta ang iyong misyon? Bakit ka nandito sa kwarto ni Sehana?", Tanong nito. Tumikhim naman ito saka sumagot ng magalang

"Ako ay pagpasensyahan niyo po Kamahalan. Naligaw lang po talaga ako, dito po kasi ako dumadaan patungong loob pero laking gulat ko po ay may natutulog na po pala dito.", ang liit ng boses niya, para siyang isang Cartoon characters na maliit kung magsalita.

Isa siyang tipaklong na nagsasalita at tumatayo mag-isa.

Mayroon bang ganoon?

At ako? Ito, nakanganga paring nakatingin sa tipaklong. Hindi ko maalis sa kanya ang tingin ko dahil nakatulala ako sa kanya dahil parin sa gulat. Pero seryoso? Totoo bang nakikita ko?

Tumikhim ang Mahal na Reyna kaya nabalik ako sa aking ulirat. Hindi makapaniwala na nakaturo doon sa tipaklong na ngayon ay nakangiti na sa akin.

"Ikaw po pala ang binibining babantayan ko.", nakangiting saad niya. Sa hindi malamang kadahilanan ay biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko, ewan ko nakakakilabot ang ngiti niya.

"Pero, Fernando, nandito ako at ako magbabantay sa kanya.", biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko si Kashton na sinabi iyon. Nagwawala na naman si puso!

Kalma! Inhale. Exhale.

Pinipigilan kong hindi kiligin at mapangiti, baka sabihin nila may kasama silang baliw! Hindi nila alam kung ano ang pagtingin na 'yon sa kanya.

They don't know!

"And what's that?", Nagulat akong napalingon sa Mahal na Reyna na ngayon ay nakataas ang kilay. Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa katangahan na nagawa ko.

Oo nga pala, naiintindihan pala niya. Pustpa!

Sa susunod na talaga! Mag-aaral ako ng korean o kaya spanish! O kaya kahit anong lengguwahe ng mundo namin!

Napailing nalang ang Mahal na Reyna na akala mong masaya ng makita akong ganito. Duh? Ano naman ang kasiya siya sa reaksyon ko o sa mukha ko?

Isa kaya akong dyosa ng kalawakan!

Napakunot naman ang noo ko nang marinig ko ang tikhim ni Kashton. Tiningnan ko siya nang masama pero isinukli lang niya sa akin ay ngisi at mapaglarong mata dahil nag iiba na naman ang kulay ng mata niya!

Pasalamat siya na I like him--

Tumikhim naman ang Mahal na Reyna kaya napayuko ako sa hiya. Anak ng! Paulit ulit ba Sehana? Nakakaintindi nga siya!

Gusto ko ng magwala, yun ang saloobin ko sa ngayon dahil sa hiya pero pinipigilan ko dahil mag-mukha akong tanga dito.

Always remember! Ang mga magaganda at dyosa na katulad ko ay dapat kaaya-ayang tingnan!

Pero... nahihiya ako!

"Kanina ka lang ba nakauwi mula sa Estrahara?", Tumango ang tipaklong bilang sagot.

"Opo, Mahal na Reyna. Sapagkat ay kaya ako napaaga ang pumunta dito ay dahil kailangan namin ng tulong ninyo. Ang Eestrahara na tinitirhan namin ay nanganganib na sa ngayon, ang mga batang tipaklong o anong hayop doon ay nanganganib na dahil malapit ng makuha iyon ni Aklia. Kagahapon lang ay nagpunta siya doon sa Estrahara. Binigyan niya kami ng palugit, bibigyan niya kami ng limang buwan para makapag impake at kukunin na daw niya ang lahat.." napalunok ako ng wala sa oras. Aklia. Pangalan palang ay nakakakilabot na at parang kinatatakutan!

"At, kailangan po kayo ang unang humanap sa puso ng La Enchanta. Kung nahanap ito ni Aklia at nauna siya ay hindi lang La Enchanta ang masisira... Kundi ang mundo ng mga mortal na kagaya ni Binibining Sehana..", parang nabibingi ako sa sinabi ng Tipaklong.

Nagtatanong akong napatingin sa kanya pero nginitian lang niya ako at parang sinabi niyang maging maayos ang lahat pero hindi ako makuntento! Sina Daddy? Sina Lola? Paano na sila?

"A-anong mangyayari kung nawasak ang puso ng La Enchanta? Bakit madadamay ang mundo naming mga mortal?", kinakabahan kong tanong sa kanya. Kinakabahan ako sa sagot niya kahit hindi pa sinasabi pero parang kakaiba ang pakiramdam ko.

Gusto kong malaman kung anong mangyayari. Paano kung mapahamak sina Daddy? Hindi ko makakaya iyon! Kahit hard-headed ako ay Mahal na mahal ko si dad! Hinding hindi ko siya kayang iwan sa ere lalo na at nasa ibang mundo ako at malayo sa kanya. At maghihintay pa ng isang taon bago mabuksan ang Mahiwagang Pintuan patungo sa Mundo namin.

"Magiging madilim ang lahat. Puno ng kasamaan at kapag na kay Aklia na ang kapangyarihan ng La Enchanta kasama na ang kapangyarihan namin ay nanganganib ang mundo ng mga tao na baka ay maging alipin din sila.... Mapupuno ng kasamaan ang mundong kinalakihan mo at lahat ng mabuti ay hindi mo na nakilala dahil nabalutan na sila ng itim ni Aklia... Mamatay ang kaluluwa nilang may konsensya at may puso... Mapapalitan iyon ng dilim...", nagsimula ng kumakabog ang puso ko at nakaramdam ako ang kaba dahil sa mga narinig ko mula sa Tipaklong.

So it's mean...

"Tama ang iniisip niyo binibini. Ang lahat ng tao sa mundo nito ay mamamatay at hihiramin ang katawan nila para gamitin lang sa kasamaan ni Aklia...", nanghina ang tuhod ko dahil sa kanyang sinabi. Parang hindi ko na kaya ang sinabi ng tipaklong..

Na mamamatay sina Daddy, Lola at Lolo dahil sa kasamaang taglay ng Aklia na iyon!

==========================

To be continued....

Enchanta Trilogy 1: La Enchanta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon