"What if I say, yes?"

"Bring her to me at once. Or  - - -"

"Or what? What will you do, Caldrix? What can you do? Nothing. You don't even know where she is," nakakainsultong sabi nito.

"I swear to gods I will kill you."

"Then go on. But you can't change the fact that you were not able to save her. You can't save the people you value. With all power that you have, you're still useless."

"Are you challenging me woman? Then bring it on."

Mabilis na hinawakan ni Caldrix ang babae. May kinuha ito sa bulsa nito at ilang segundo lang ay nasa pusod na sila ng kabilang gubat.

"You lose," pahayag ni Caldrix at sinunog ang bagay na nakuha niya.

"Damn you. Now I have to run to get home."

"And I will follow you. Dead end."

Inirapan siya ng babae.

"Fine. She is safe with me, asshole."

"She better be. Or you know what I can do."

"After the Red Blood Moon, you will see her again. Any fucking complain?" pag-iimporma nito kay Caldrix.

Napailing si Caldrix.

"Good. You almost paralyzed her. It was not love making at all, just plain torture."

"Shut up!" banta ni Caldrix sa kanya.

"I must go now. I just came here to inform you before you turn Vampyria into a whole chaos."

"Wait," pigil ni Caldrix, at agad na yinakap ang babae.

"It feels good to see you again, Cass," mahinahon niyang pahayag.

Isang pambihirang pagkakataon na magpakita ng emosyon at kahinahunan si Caldrix.

Ngunit napadaing lang siya ng tumalsik siya sa puno matapos siyang tadyakan nito ng mabilis. Agad din itong nawala sa kanyang paningin. Napailing na lang ito at agad na bumalik sa kastilyo.

"Haring Caldrix " agad na bungad sa kanya ni Lord Lucios, ang Prime Elder. Kasama rin nito ang kanyang mga kasamahan.

"Naabot na ng apoy ang bayan. Marami na ang napinsala nito. - - -"

"Yeah. A guard informed me earlier," putol ni Caldrix sa sasabihin pa nito.

"Kaya bilang isang hari, kung maaari ay tulungan mo kaming apulahin ang apoy bago pa nito matupok ang iyong nasasakupan," pagsusumamo ng isang Elder.

Ang apoy na kasalukuyang namiminsala ay hindi pambihirang apoy. Ito ay apoy na mula pa kailaliman ng impyerno. Na sa sobrang init, ay magiging abo agad lahat ng mahagip nito. Hindi rin ito basta bastang napapatay ng tubig o kung ano pa mang likido.

"Fine. As the king of this land, I will task the almighty and powerdful Elders to solve this chaos. I give my blessing to you all," sarkastikong pasya nito.

Hindi makapaniwala ang Elders sa naging pasya ni Caldrix. Ngunit hindi ito ang unang pagkakataon na masaksihan nila ang kagaspangan ng kanyang ugali. Tunay na walang puso at pag-aalinlangan si Caldrix kaya palaging tutol ang Elders sa kanya, na naging dulot ng hindi nila pagkakasundo.

"Do you have any problem with that? This is the right time to show your worth, not just during useless meetings."

Magsasalita pa sana ang isa sa kanila ngunit inunahan na ito ni Caldrix.

"You may leave."

"As your command, King Caldrix," magalang na sabi ni Lord Lucius at napayuko bilang respeto kaya wala ng nagawa pa ang kasamahan nito.

Napangisi si Caldrix.

"I am not yet done with you, Lucius," bulong niya.

Napatanaw siya sa nasusunog na bahagi ng kanyang nasasakupan. Ikinumpas niya ang kanyang kamay at sa isang iglap ay nawala ang apoy.

Siya ang gumawa ng apoy nang malaman niya ang nangyari kay Gresha.

Ang dating makulay na kagubatan ay naging itim na at napuno ng usok.

Ilang araw lang ay manunumbalik ito dahil sa serbisyo ng mga earth daemon at faeries.

Bumalik siya sa kanyang trono at payapang umupo. Alam niyang may ginawa ang babaeng tinawag niyang Cass kung bakit humina ang koneksiyon nila ni Gresha.

Ngunit para sa kanya ay mas mabuti na rin iyon upang hindi siya masyadong madala ng pangungulila kay Gresha. Ayaw niyang maranasan ulit ni Gresha ang natamo nito matapos silang magtalik. Ayaw niyang biglain ulit ito. Dapat matuto siyang kontrolin ang kanyang rumaragasa at nag-uumapaw na nararamdaman sa kanyang kabiyak.

Tama lang ang pagkakataon dahil kailangan din niyang pagtuonan ang isang mahalagang bagay, ang magaganap na pagpipili ng bagong reyna.

Pumunta siya sa mesa ng silid at kinuha ang isang papel na naglalaman ng mga kandidatang tumakbo sa pagiging reyna.

Taglay niya ang 45% na puntos, kaya kung tutuusin ay halos sa kanyang pasya nakasalalay kung sino ang mananalo.

Kaya kailangan niyang maging maingat sa pagpili. Ayaw niyang pagselosan ni Gresha ang magiging reyna. Ngunit bilang isang hari, hangad niya rin ang isang karapatdapat at maaasahan na reyna tulad ng kanyang yumaong ina.

Merideth Walter

Elisa Akerna

Stacey Black

Tatlong kandidata na galing sa mayayaman at kilalang pamilya. Mga anak ng opisyales ng kaharian.

Nagliyab ang papel na hawak ni Caldrix.

"None of you deserves to be my queen. Not even a thread of your hair will sit on the throne."

Fated To BeWhere stories live. Discover now