"Tita Veron, where's Caldrix?"

Napataas siya ng kilay at napalunok.

"He is unreachable at the moment. He is purposely giving a distance between you two. And in case you want to know, we are not in Vampyria anymore. We are in the mortal world. Nasa isang mansiyon tayo na pag-aari ng kapatid ko," pahayag niya at agad niyang nilisan ang silid.

Naiwan akong tulala.

Is he avoiding me? Am I not good enough? Hindi niya ba ako nagustuhan to the extent na ipapabalik niya ako dito sa mundo namin?

Napangiti ako ng mapait. Who would want someone who will be at mess like this after love making? I'm useless and it is breaking me by just thinking of it.

What if he will look someone better than me while we're apart?

Frustration eats me up. Napahilamos ako at naramdaman ko ang iilang benda sa aking mukha.

Napatingin ako sa palapulsuhan ko na mababakasan ng mga pasa. Nagpatuloy ito sa mga iilang kalmot at sugat sa aking kamay at braso. Sumakit ang aking balakang kaya napabalik ako ng higa.

Muli kong nilasap ang alaala ng pangyayari.

Was that it?

Napahawak ako sa aking leeg. Nakaramdam ako ng pagkislot mula roon, hindi kislot ng sakit, kundi isang banayad na pakiramdam.

Naramdaman ko ang mainit at banayad na haplos ni Caldrix.

Oh gosh. Nababaliw na talaga ako sa kanya. We are bounded with each other. Kaya normal lang kung gaano man kasukdulan ang nararamdaman ko sa kanya.

Ganito rin ba ang nararamdaman niya sa akin?

Hindi ko kailan man naisip na magiging ganito ang takbo ng buhay ko. Isa lang akong normal na mag-aaral na patuloy na namumuhay sa pamamagitan ng sariling pagsisikap dahil sa kagustohang makamit ang munting pangarap.

Pero isang pangyayari ang nagbago ng lahat sa buhay ko.

Ano kaya ang magiging reaksiyon ni mommy kung buhay pa siya ngayon?

Napaisip ako. Alam niya ba ang tungkol sa akin? Kaya ba pinalaki niya akong malayo sa mga tao? Kung iisipin, siya ang nagbigay sa akin ng kuwentas na pumipigil sa nararamdaman namin ni Caldrix sa isa't isa. Gusto ko ng kasagutan. Pero wala na siya upang sagutin ang mga ito.

Kung tama ang aking palagay, simula pa lang pala ay nakaguhit na sa aking palad ang kapalarang ito at wala man lang akong kaalam alam.

What I went through taught me how to never give up in life easily. It teaches me to be strong to continue. This is my destiny, and I will bravely conquer it. For myself, for the people who believe in me, for the few people I care for.

That's the reason why I don't feel any bit of regret. This is my decision, this is my life, and this is who I am.

Bumukas ang pinto at inaasahan kong si Tita Veron ang bubungad sa akin ngunit hindi.

Isang napakagandang babae.

"Who are you?" agad kong tanong. Hindi siya pamilyar at sigurado akong ito ang unang beses naming magkita.

Dapat ay mangamba na ako dahil sa panganib na maaaring hatid niya, ngunit iba ang aking nararamdam.

Magaan ang pakiramdam ko sa kanya.

"I killed several vampires just to see you. I didn't expect it to be that hard. But anyways...I'm here."

Napalaki ang aking mga mata.

Bigla niya akong hinawakan at nakaramdam ako ng malamig na sensayson mula sa kanyang mga kamay na dumaloy patungo sa aking katawan.

Ilang sandali lang ay binitawan niya ako at biglang umayos ang aking pakiramdam. Nawala ang aking mga sugat, galos, pasa, at pamamanhid.

"Let's get out of here before Veronica catches up. She's always a pain in the ass."

Hinablot niya ako ng marahas na nagpakaba sa akin.

Sinuri niya ang aking leeg at halata ang pagkagulat sa kanyang mukha.

"So the news is true after all. He already sealed your bond. I could smell his whole being in you. Interesting."

"Lumayo ka sa akin." Malakas ko siyang tinulak kaya napausog siya ng kaunti.

"Binabalaan kita. Huwag kang lumapit sa akin kundi si Haring Caldrix ang makakaharap mo," matapang kong sambit ngunit napatawa lang siya.

Sino ba ang babaeng ito? Ano ang ginawa niya kay Tita Veron? At ano ang gagawin niya sa akin?

She smirks. "Should I freak out now? Not at all."

Muli siyang lumapit sa akin at marahas niya akong hinawakan kaya hindi na ako nakawala pa kahit anong pagpupumiglas ko.

"Take a deep breath, Gresha Iris. I am not who you think I am."

Fated To BeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin