Chapter 11

1.9K 52 9
                                    

Realize

Ilang araw na ang nakakalipas ngunit usap-usapan pa din hanggang ngayon ang ginawang panloloko sa akin ni Roscoe at Jesusa. Madalas ay naririnig ko sa mga kumpulan sa ladies room o kaya naman ay sa locker area. Hindi talaga mawawala ang chismosa sa paligid kaya hindi ko na lamang pinapansin.

Si Kari ang palagi kong kasama sa lunch break. Kapag hindi naman siya ay ako lang mag-isa. Nagbababad lang ako sa library o kaya naman sa field. Nawalan na ako ng interes sa pagtakbo kaya nagpaalam ako sa coach namin na huminto muna kaya pumayag naman siya. Alam kong narinig niya din ang tungkol sa nangyari dahil bago ako umalis mula sa opisina niya ay pinagsabihan ako nito na magpakatatag.

"Hindi ako pupunta." biglang sulpot ni Kari sa likod ko habang kumakain ako sa cafeteria.

Busangot ang mukha nitong umupo sa tabi ko at dumukot sa kinakain kong potato chips.

"Ano?" tukoy ko sa sinabi niya.

"Sa birthday party ni Jesusa sa sabado! Hindi ako pupunta." sabay lapag niya ng invitation sa lamesa.

It's Jesusa's Debut party on Saturday. Napatahimik na lamang ako nang maalala kung paano kami pa ang sumama sakaniya upang mamili ng susuotin. Ang unang napag-usapan pa ay magdadala kami ng kaniya-kaniyang partner. Syempre si Roscoe sakin at bahala silang dalawa kung sino sakanila. Pero dahil sa nangyari ngayon ay malamang si Roscoe na ang partner niya.

"Bakit ito lang ang kinakain mo? Sexy ka na, Hariette!" puna pa nito.

Natawa na lamang ako sa sermon ni Kari sa akin. Naniningkit ang mata nito kaya hirap akong seryosohin ang panenermon niya.

"Kung gusto mong pumunta ay pumunta ka. Ayos lang sakin kung ako ang iniisip mo." natahimik siya sa aking sinabi at tinignan ako sa mata.

"Hindi lang ikaw ang niloko niya, Hariette. Pati ako! Kaya hindi pa ako handang makita siya." Hindi na ako kumibo ngunit nagulat ako sa bigla niyang pagdampot sa aking palapulsuan.

"Halika na nga! At ililibre kita ng totoong pagkain!" hindi na ako nakaalma ng mabilis niya akong nakaladkad palapit sa counter kung saan nakahilera ang mga pagkain.

Sa malayo pa lang ay tanaw ko na ang matangkad na si Kaiser at ang maputing batok nito. Nakapila din siya at may kaakbay na babae. Noong una ay hindi niya kami napansin pero nang magsalita na si Kari ay lumingon na din ito agad ang ngumiti.

"Kayo pala yan." sabi niya sabay marahang inalis ang kamay sa kasama nitong babae.

"Uy!" kaway ni Kari. Tinanguan ko lamang siya at ibinalik ang tingin sa mga ulam.

"Alas-tres na ah? Ngayon pa lang kayo kakain?" hindi ako umimik sa kumentong iyon ni Kaiser at kunwaring nagtitingin lang ng ulam.

Bakit ba siya nakikialam? Kahit kailan talaga ay matagumpay niyang nagagawa ang mang-inis ng kapwa! Dasal ko na lamang na sana ay sagutin siya ni Kari.

"Ito kasing si Hariette eh. Potato chips lang ang kinakain. Nursing students ka pa man din kaya dapat alam mong hindi healthy yan!" natatawa pa nitong sabi.

Hindi na lamang ako nagsalita at namili na ako ng kakainin. Nang makarating sa counter ay nauna sina Kaiser at ang kasama niyang babae. Mas nauna nga lang ito sa lamesa nila at nagpaiwan si Kaiser kasama namin. Hindi ko alam kung bakit.

She's not Agatha... Hindi siya yung babaeng nakita namin kina Governor Hernan noong isang gabi. Hay, manang-mana talaga siya sa tatay niya kung ganon at kung totoo man ang balita tungkol sa papalit-palit ng kabit nito.

"Ako na magbabayad nung sakin." sambit ko bago dumukot sa aking bulsa.

Pagkadungaw ko sa wallet ay bahagyang nanlaki pa ang aking mata dahil 50 pesos na lang yung pera ko. Sakto lang pambayad sa ulam ko ngayon. Maglalakad na lang ako pauwi kaysa naman ipabalik ko pa iyong binili ko eh naisandok na ni ate sa plato.

A Taste of Vengeance - [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon