Chapter 4

2.2K 50 0
                                    

Midwifery

[Hi lovies! Disclaimer lang. Di ako medicine/nursing student. What I have here or the details that I would be sharing going forward are mostly from my research. I am not sure if it’s that concrete. So don’t bash me! Sa mga medicine students diyan. Feel free to correct me and share some knowledge. Okay?]
 
Pagkarating ko ng bahay ay ilaw lang mula sa kusina ang nagsisilbing liwanag na umaabot hanggang sala. I glanced at my wrist watch and saw that It’s 8pm already, baka natutulog na si ate. Sumilip ako sa kusina at bahagyang nagulat dahil naabutan ko si ate na natutulog doon. Nakaupo siya sa may dining table at naka-ubob ang ulo sa may lamesa.  
 
Marahan kong nilapag ang aking mga gamit at nilapitan siya. Mahina kong niyugyog ang kaniyang balikat at ilang saglit lang ay gumalaw na ito. Marahan naman siyang tumuwid ng upo tapos ay kinusot ang mata bago tumingin sa orasan at nagbalik muli sakin.
 
Halos matawa ako sa kaniyang itsura. Kamukhang-kamukha ko talaga siya. It’s just that the color of her eyes and her face expression is making her features softer than mine. I have the resting bitch face while she has the angelic one. That’s fine with me though. Bagay naman sa ugali namin an gaming itsura.
 
“Andyan ka na pala…” ani niya habang pupungas-pungas pa. Tumango naman ako bago hinila ang silya sakaniyang harapan at umupo roon.
 
“Bakit dito ka natutulog?” ngumiti lamang ito sakin.
 
“Nakatulog lang po ako… Kumain ka na?” tanong niya bago tinanggal ang takip ng isang ulam sa aming harapan.
 
“Oo. Kina Roscoe.”
 
“Oo nga pala no? Kamusta na pala siya? Hindi na siya nadadalaw rito.” I looked away as I remembered what happened earlier.
 
“W-wala. Medyo busy lang siya sa school saka alam mo naman yun active sa pagbabasketball.” Pagsisinungaling ko.
 
Umubra naman iyon at tumango-tango na lamang siya tapos ay humikab. Natawa ako at hinilamos ang aking kamay sakaniyang mukha. Lumukot ang kaniyang ekspresyon kaya tumayo na ako dahil ayaw kong gumanti siya.
 
“Matulog ka na nga!” panuya ko sakaniya tapos ay dinampot na ang mga gamit.
 
“Oo na! Magliligpit lang ako.”
 
Pagkarating ko ng kwarto ay dinampot ko ang aking cellphone at sinilip kung may text ba si Roscoe pero wala. Kung nagtatampo siya ay naiintindihan ko naman. Anong klase ba ang magkasintahan na walang nangyayari kapag magkasama? I am barely 18 and I should have surrendered it to him knowing that we are years of being together.
 
Nagtipa ako ng mensahe bago maghilamos.
 
I’m sorry.
 
Kinabukasan ay wala akong nakuhang sagot mula kay Ros. I sighed as I felt guilty about it. Kakausapin ko na lang siya mamaya. Pagkababa ko ng hagdan ay wala na si ate. Kalimitan ay naaabutan ko pa siya sa kusina na nagluluto pero tingin ko ngayon ay mas maaga ata ang shift niya sa Inn. Gayon pa man ay naabutan ko sa lamesa na nakahanda na ang baon ko at may note pa sa ibabaw.
 
Eat well, my favorite sister! :p
 
Natawa ako. Akala mo ba ay may iba pa siyang kapatid bukod sa akin. Napailing na lamang ako bago dinampot iyon at tuluyan nang umalis.
 
Pagkarating ko ng University ay inaabangan na pala ako ni Jesusa at Kari. They are both chitchatting as if we haven’t seen each other yesterday. Napailing na lamang ako at kaswal na dumaan sa harapan nila at nagkuwanring hindi sila nakita.
 
“Uy! Si Hariette oh!” rinig kong sigaw ni Kari. Napangiti ako dahil alam ko naman na ako ang hinihintay nila.
 
“Francesca Hariette!” tinaliman ko ng tingin ang dalawa dahil sabay pa sila na sinigaw ang buong pangalan ko.
 
Huminto ako at inantay silang sabay na natatawa pang lumapit sakin.
 
“Kanina ka pa namin inaantay tapos lalagpasan mo lang kami!” sermon ni Kari.
 
Her chubby cheeks and chinky eyes are more defined when she’s annoyed. Halos matawa ako at hindi magawang seryosohin ang naiinis niyang ekspresyon. Jesusa gently caressed Kari’s hair.
 
“Baka nagmamadali lang siya, Kari.” Ani pa nito bago bumaling sa akin.
 
“Pupunta muna ako kay Roscoe. Mauna na kayo.” Ngumuso lamang si Kari samantalang tumango-tango si Jesusa at kumaway.
 
Hindi padin ako mapakali sa nangyari samin ni Roscoe kahapon. I guess he deserved my apology. Sakto naman pagdating ko sa floor nila ay siyang dapat pagpasok niya sa loob ng kanilang room. Nahagip na ako ng paningin niya pero nagpatay malisya pa siya dahil akmang ngingitian ko siya pero nag-iwas siya ng tingin at umaktong hindi ako nakita.
 
“Roscoe Noel!” sigaw ko. Huminto naman siya sa pagpasok at nakabusangot akong hinarap.
 
Tinaasan ko siya ng kilay bago nilapitan.
 
“Galit ka?” nanghahamong tanong ko. Suplado lamang itong nag-iwas ng tingin. I smiled slightly before reaching for his hands.
 
“Huwag ka nang magalit… Sa birthday mo nalang… Promise.” Maamo ko siyang tinignan at inoobserbahan kung tatalab ba ang pagpapacute ko. Tinignan lang ako nito habang nakasimangot pa din.
 
“Promise?” paninigurado niya. I smiled widely.
 
“Oo!” maya pa ay kumurba na ang ngiti sakaniyang labi.
 
“Sabi mo yan ah?” tumango-tango naman ako habang nakangiti.
 
Hindi din siya nakatiis at hinila ako para yakapin.
 
“Sige na, pumasok ka na. Kita tayo sa gym mamaya. May laro kami.” Tumango naman ako bago tumalikod.
 
Habang naglalakad ako papalapit sa aming building ay sumama ang mukha ko. I saw “disgusting guy” leaning against the wall with hands on his pockets. Mahina pa itong nagheheadbang dahil may nakasuksok na earphones sakaniyang tenga. Napairap na lamang ako sa ere.
 
Don’t tell me dito rin ang klase niya? Ang malas ko naman kung ganun.
 
Hindi ko siya pinansin at nilampasan lang. Wala akong panahon para makipag-argumento sa isang taong tulad niya.
 
Hinanap ng paningin ko sina Jesusa at Kari. Naabutan ko silang nagkekwentuhan sa may bandang gitna. Lumapit ako at umupo sa bakanteng pangdalawahang silya sa harapan nila. Mabilis naman nila akong nilingon.  
 
“Kamusta?” tanong ni Jesa.
 
“Okay lang.” ngiti ko bago kinuha ang gamit at nilabas ang notebook sa bag.              
 
“Dito din pala si Kaiser sa klase natin nakita mo ba? Naku speaking nandiyan na siya!” kumento ni Kari na hindi ko na masiyadong pinagtuunan ng pansin. I have no time for him basta ba huwag niya na lamang akong guluhin.
 
Maya pa ay umuga na ang bangko sa aking tabi. This is unusual since aside from Kari and Jesa no one ever tried to sit beside me. Alam kong may mali at hindi ko na sana papansinin kung hindi lamang siya nagsalita at bahagyang napasinghap ang mga kaibigan ko sa likuran. I already have an idea but I hope it’s not it.
 
Mula sa pagkakayuko ay tumuwid ako ng upo at nakataas ang isang kilay kong nilingon kung sino ang nangahas na tumabi sa akin.
 
“What? Hindi ba pwede?” bumagsak ang mukha ko nang makita si Kaiser sa tabi ko. God! I can’t believe he really has the guts to annoy me like this.
 
Oh no, I can’t be affected. Mas lalo siyang matutuwa kapag naiinis niya ako.
 
Hindi naman na siya nanggulo nang makapirmi sa tabi ko. Hindi ko din inaasahan na kaya niya palang magfocus sa sinasabi ng professor sa harapan. Well at least he can, Right?
 
Midwifery is the health science and health profession that deals with pregnancy, childbirth, and the postpartum period (including care of the newborn), in addition to the sexual and reproductive health of women throughout their lives. ... A professional in midwifery is known as a midwife.” Napailing na lamang ako sa mga naging reaksyon ng mga kaklase kong lalake. Parang mga bata,
 
“Ma’am! Eh pwede bang maging midwife ang lalake?” taas kamay ng isa kong kaklase. Nagtawanan naman ng malakas ang lahat maliban sakin, Maging itong katabi ko ay tumatawa din, nilingon ko siya napailing na lamang ako sa kung gaano sila kababaw.
 
“There are male midwives; there just aren't many of them. When the subject of men in midwifery is discussed, it usually conjures up perplexed looks. The very idea of men in midwifery can create quite a stir, and most lay people don't perceive it as strange that there are so few men in this profession.” Tumango-tango naman ako dahil totoo naman.
 
“Yun! Makapag-midwife na nga lang!” mas lalong lumakas ang tawanan dahil sa sigaw na iyon ng kaklase naming lalake. Napailing na lamang ako, Kahit kailan talaga!
 
“Tss, perverts.” Bulong ko.
 
“Loosen up. Masiyado ka namang seryoso.” Kaiser commented beside me. Walang gana ko siyang hinarap.
 
“Because this is a serious matter, Kaiser. This is pregnancy and women’s safe delivery.” Sambit ko bago nagbalik muli ng tingin sa professor. Ramdam ko ang mga titig niya sa tabi ko pero hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin.
 
“I didn’t know my name would sound so good. Pwede isa pa?” iritable ko siyang binalingan.
 
His lips formed into a playful smile. His deep left dimple showed up. Parang tuwang-tuwa pa siya at naagaw niya ang atensyon ko!
 
“Next week, I will assign one or two student from your class to observe and assist the actual delivery. I will need a representative to join me. The duty is to jot down notes and to share it to the class next meeting.” Nang marinig ko iyon ay mabilis akong nagtaas ng kamay kaya naagaw ng lahat ang atensyon ko.
 
“Miss, Kaiser here said that he wants to join you. He can right?” nilingon ko siya at nakita ang gulat sakaniyang mukha.
 
You talkative and annoying guy! Akala mo ha?!
 
“Is that true Mr. Contreras? Well, of course I can allow you. Tutal ay sa ospital niyo naman gagawin ang nasabing procedure.” Nakangiting sabi ng professor.
 
Halos bumuga ako ng tawa dahil sa reaksyon niya. Halatang gulat at hindi makaalma sa ginawa ko. Buti nga!
 
I heard Kaiser cleared his throat before speaking.
 
“It’s fine with me, Miss. But since this is a SERIOUS matter…”
 
“I think we need both the guy and girl perspective, right?” pagbibigay diin niya kaya napalingon ako sakaniya. Mapang-asar pa itong humarap sakin at nagtaas baba pa ang dalawang kilay.
 
Napanganga na lang talaga ako. Humarap ako para umalma sa professor namin pero nakita kong tumatango-tango na ito.
 
“I think Mr. Contreras is right… Any volunteers?” nanlaki ang aking mata nang hinawakan ni Kaiser ang aking kamay at inangat sa ere.
 
Narinig ko ang pagsinghap nina Kari sa aming likuran. This guy is really testing may patience!
 
“Si Hariette daw po.” Confident pa nitong sabi.
 
“BItawan mo ‘ko!” mariin kong alma at saka marahas na hinila ang aking kamay.
 
Pinagdaop ng professor namin ang kaniyang mga palad at malapad na ngumiti.
 
“Okay! I guess we already have a team. See you next meeting!” napanganga na lamang ako.
 
Nagsitayuan na ang iba naming kaklase. Maging itong si Kaiser ay tumayo na din at dirediretsong lumabas na parang walang nangyari. Hindi ako makakapayag! Mabilis akong tumayo at hinabol siya sa labas.
 
“Kaiser!” sigaw ko.
 
Bakas ang mangha sakaniyang mukha nang harapin ako nito. Hanggang ngayon hindi ko padin maatim na tawagin siya sakaniyang pangalan.
 
“Ikaw naman, namiss mo ako agad. Magbabasketball lang ako sa gym. Sasama ka ba?” presko nitong sabi.
 
“Nagpapatawa ka ba? Anong akala mo nakikipagbiruan ako? I told you! I am focusing on my studies so stop bugging me! Samahan mo ako kay Miss at bawiin natin yung sinabi mo. Ayaw kitang maging partner!” hinihingal kong sabi.
 
“Sige. Pero sa isang kondisyon.”
 
“Ano? Sabi nang wala akong panahon sa---“  napahinto ako sa aking sasabihin ng sinakop niya ang espasyo naming dalawa.
 
Mabilisan niya akong napasandal sa dingding.
 
“Hoy ano yan ha!”
 
“Kai, wag yan yari ka sa boyfriend niyan!”
 
“Baka siya ang mayari kay Kai!”
 
Rinig na rinig ko ang mga pambubuska ng mga nakakakilala sa amin. Knowing that I am talking with the notorious playboy of Alberta hindi na ako magtataka kung bakit ganiyang ang mga reaksyon nila.
 
“Lalabas tayo.”  Mabilis at seryoso niyang sagot.
 
“A-ano?” hindi makapaniwala kong sagot.
 
“Bakit ako? Ano bang gusto mo?” I desperately asked. This is non-sense!
 
“Lunch? Kahit sa cafeteria? Ayaw kong makagawa ng kasalanan kung ilalabas agad kita. Isn’t that obvious? Akala ko ba matalino ka? So ano? Babawiin pa ba natin?” gustong-gusto ko siyang sampalin dahil sa mga sinabi niya.
 
“May boyfriend ako.” Mula sa pagiging maloko ay biglang sumeryoso ang kaniyang ekspresyon. His white nursing uniform is contrasting to his features and attitude. Mas bagay siya sa mga basag ulo ng ibang department. Hindi rito sa nursing. Hindi naman sa pag-aano.
 
SIya lang kasi ang namumukod tanging ganito.
 
“I don’t fucking care, Hariette.” The way he mentioned my name gave me chills. Hindi ako makapaniwala na naapektuhan ako dahil sakaniya. Parang gusto kong masuka.
 
“Contreras!” nagulat ako nang tumilapon sa gilid si Kaiser. Nilingon ko kung sinong tumulak sakaniya at nanlaki ang mata nang makita si Roscoe. Namumula na ang mukha nito sa galit.
 
“Gago ka! Tigilan mo girlfriend ko!” galit na sigaw ni Roscoe. Mabilis ko siyang dinaluhan upang pigilan.
 
We are causing too much people’s attention! Ang ibang estudyante ay akala mo nasa sinehan na libreng nakakanood ng palabas!
 
“Samaniego.” Kaiser mentioned Roscoe’s last name. Nilingon ko siya na inaayos ang nagusot na uniform.
 
Kilala niya si Roscoe? Did he mentioned basketball earlier? Baka nagkakalaro sila.  
 
“Wala ka na bang ibang maloko? Tangina mo!” hinarap ko ulit si Roscoe at yinakap ng mahigpit.
 
“Tama na, Ros. Please?” pakiusap ko.
 
Binalingan ko si Kaiser na magkasalubong ang kilay. I can see his veins on his neck. Parang gusto niya ding gumanti mula sa pagkakasugod sakaniya ni Roscoe kanina pero hindi niya magawa dahil nakayakap ako. Of course I will not let him hurt my boyfriend!
 
“Ano? Lumaban ka! Wala akong pake kahit anak ka pa ng governor!” dagdag na sigaw pa ni Roscoe.
 
Imbis na gantihan siya ay ngumisi lamang siya kay Ros at pinamulsahan bago tuluyang tumalikod. Nakakagulat man pero naglakad na ito palayo. Nang tuluyan na siyang nawala ay binitawan ko na din naman si Ros.
 
“Ayos ka lang?” nag-aalala niyang tanong habang hinahaplos ang mga braso ko. Marahan naman akong tumango.
 
Maya pa ay biglang sumulpot sina Jesusa at Kari sa aming tabi,
 
“Anong nangyari? Grabe yun ha!” saad ni Kari.
 
Bakas rin ang pag-aalala sa mukha ni Jesusa.
 
“Mabuti na lang, walang dumaang prof kung hindi lagot kayong lahat.” Kumento niya.
 
Nang mahimasmasan na kaming lahat ay nagkaniya-kaniya na kami para umuwi. Hindi na naglaro si Roscoe dahil alam niya na naroon si Kaiser. Baka hindi lang daw siya makapagpigil at mapatay niya ito.
 
“Bakit mo ginawa yun? Kaya ko sarili ko, Ros. Kilala mo ako.” Sermon ko sakaniya nang makarating kami sa kwarto niya.
 
Umupo na siya sa kama at hinubad ang bag. Sunod naman ay ang polo shirt niya kaya naiwan na lamang siyang nakaputing sando.
 
“Anong gusto mo? Hayaan kong pormahan ka niya ha, Hariette? Mayabang talaga yung gagong yun! Halos lahat ng magagandang babae sa Alberta pinormahan niya na! Palibhasa mayaman akala ay kaya kunin lahat!” inis nitong sabi.
 
Hindi na ako nakaimik dahil totoo naman. Naalala ko kung paano kami itinaboy noon nina Tita Frida. Tinignan kong mabuti si Roscoe. Hindi maipagkakaila kung bakit bagay nga kaming dalawa. Parehas poot sa mga mayayaman na makasarili.
 
Lumapit ako at umupo sakaniyang tabi.
 
“Tama na… Hindi niya naman ako pinopormahan. Sadyang inaasar niya lang ako dahil alam niyang naiirita ako sakaniya. At isa pa, hinding-hindi ko siya magugustuhan.” Marahan kong paliwanag.
 
Nag-angat ng tingin sa akin si Roscoe at unti-unti ay umaliwalas na ang mukha. Maya pa ay hinawakan nito ang aking magkabilang pisngi at nilapit para halikan. Marahan at maingat ang bawat dampi niya sa aking labi.
 
“Sana birthday ko na.” bulong niya nang tuluyan kaming maghiwalay.

A Taste of Vengeance - [R18]Where stories live. Discover now