Chapter 29: Happy Monthsarry?

427K 10.3K 2.6K
                                    

Chapter 29:
Happy Monthsarry?

--

Sabi nila, ang sarap daw ma inlove. Lalo na kapag na inlove ka sa taong inlove din sayo. Minsan nga sa sobrang saya niyo you would think that everything was perfect, that no one else seems to ruin your relationship, pero hindi pala..

Kung gaano ka kasaya nung inlove ka, ganun ka din kaya masasaktan kapag you fall out inlove?

--

TIN POV.

nung araw na nasa condo ako ni miggy, may na receive akong text. I didn't see it coming.

Yung mga dating bumugbog kay miggy, they texted me, i really don't have an idea how they get my number but they want me to come into their place. And if i refuse they will kill miggy with a snap. That scared me to death, so i decided to go.

Pagka dating ko dun, madami sila' i think nasa twenty lahat sila tska malalaki yung katawan. Naisip ko nung mga time na yun, kung alam lang ni miggy 'tong ginawa ko na to, magagalit yun. Sasabihin niya ang stupid ko kasi pumunta ako dito mag isa. Sobrang kabado akong pumunta sa pwesto nila. Wala naman silang ginawa sakin, pero may sinabi sila sakin,

"Simula ngayon, wag na wag ka ng lalapit kay miggy, o kahit kausapin man lang siya.."

"Ha?! pero hindi ko kaya yun!" from that moment wala akong ibang iniisip kung di si miggy lang.

"Gusto mo bang patayin namin si miggy?"

"parang awa niyo na, wag.. wag nyong gagawin yan.." may mga luha ng pumatak sa mga mata ko.

"kung ayaw mong gawin namin yun, pwes gawin mo yung inuutos namin, at wag ka ng mag balak mag sumbong sa mga pulis kasi sa oras na mag sumbong ka, bbye boyfriend!" tumawa pa siya habang sinasabi yun, anong klaseng tao ba sila!! hindi ba nila alam yung mga sinasabi nila? kung mag balak silang pumatay ng tao, ganun na lang? asan yung mga puso nila?

"oo sige.. gagawin ko yung sinabi niyo, basta wag niyo lang sasaktan si miggy please.." habang sinasabi ko yun, iyak pa din ako ng iyak.

at simula ng oras na yun, lahat ng text ni miggy hindi ko sinasagot, may times pa na tumatawag siya pero hindi ko sinasagot, kaya pinatay ko na lang yung cellphone ko. Pag ka uwi ko sa bahay, sinabihan ko si mama na kapag hinanap ako ni miggy, sabihin na wala ako. Umiyak agad ako sa kama ko pag kadating ko ng kwarto. Bakit? bakit ang lupet ng mundo T.T anong mangyayari samin ni miggy? natatakot akong suwayin yung utos nila, baka saktan nila si miggy eh. Gusto ko din sabihin kala mama at kuya pero paano kapag nalaman nila na nag sumbong ako? hindi ko kayang makita na masaktan si miggy, yung lalaking pinaka mamahal ko..

Lumipas yung buong araw na tulala ako, iniisip si miggy. Kung anong ginagawa niya, kung kumain na ba siya, kung galit na ba siya sakin T.T Gabi na, at ayokong gumising bukas na dala pa din tong problema na 'to, sana panaginip lang to, isang bangungungot na pag gising ko, okey na ulit yung lahat.

Ginising ako ng sikat ng araw, pag ka mulat pa lang ng mga mata ko, na alala ko agad si miggy.. panaginip lang kaya lahat ng nangyari? pero may nareceive agad akong text..

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon