Chapter 1: Bakulaw ka!

1.4M 24.5K 7.1K
                                    

 Chapter 1: Bakulaw ka!

 

 

---

"Mr. Rivera, can you read page 37?"

"Mr. Rivera?"

"Tin, gisingin mo yung katabi mo, tinatawag siya ni mam."

"Hoy kuya gumising ka tinatawag ka ng teacher natin!"

Nagulat ako nung bigla siyang tumayo sa upuan nya tapos tinignan niya ko ng masama, jusko! parang kakainin niya ako ng buhay eh. Huhu! Ano ginawa ko sakanya? T__T

"Hoy ikaw! sino nag sabi sayong gisingin mo ko ha! Ang sarap sarap ng tulog ko eh!"

"Mr. Rivera, natutulog ka sa klase ko? hindi mo ba alam na bawal yan during class!?"

"Eh mam kasi po.. napuyat po kasi ako kagabi eh.. Sorry po." Sus napuyat dapat hindi na lang siya pumasok. Psh -__-

"Ah napuyat? So pwede mo bang i share sa amin kung bakit ka napuyat?"

"Mam nag dota po kasi ako."

"Dota? yan na ba yung bagong subject natin at dyan ka nag pupuyat? Sige lumabas ka sa classroom ko at pumunta ka ng principals office."

Tumingin ulit siya sakin..

"Humanda ka sakin mamaya."

Hala! takte nakakatakot siya, anong problema niya ha?  Shunga ba siya? ginising ko na nga siya eh! Tss.

Pagkatapos nyang sabihin yun lumabas na siya ng classroom. Nako ah nakakatakot siya, ang laki pa naman nyang tao baka mamaya bigla akong suntukin nun eh. Ang sama naman ng first week ko sa school may ka away agad ako T__T

Mabilis natapos na yung klase namen, at sa wakas uwian na. Uwing uwi na ko eh, may naalala tuloy ako... oo nga pala yung lalaki kanina, lagot daw ako sa kanya, paano na kaya to? Huhu baka mamaya pagkalabas ko suntukin na lang niya ko! o kaya pag samantalahan pa niya ang walang kamuang muang kong katawan! Huhu hindi ko pa sinusuko ang bataan eh! Ang OA ko, tama na -___-

Pag labas ko ng classroom tinignan ko muna yung paligid, yown oh! wala yung lalaki kanina, ano nga pangalan niya, Mr rivera ata yun. Para pa kong ninja sa pag tatago ko maka labas lang ako ng school namin, para naman akong kriminal neto hays! kung hindi lang dahil dun sa halimaw na yun!  makaka uwi na ako agad! Pshh.. pag ka lagpas ko ng gate ng school napa buntong hinga ako, wala yung mr. Rivera na yun.Yown! ligtas ako xD

Nag lakad na ko papalayo ng school.. "Hay salamat ligtas na ko, wahaha! maka uwi na nga."

"San ka pupunta?" Oh no! pag ka lingon ko isang halimaw ang nakita ko, ay mali tao pala to. Wahaha! nakakatakot kasi siya eh, parang mangangain ng tao eh, mukhang gangster pa. Oh Lord help me!

 

"Eh di uuwi na san pa ba?"

"Uuwi? Di ba may atraso ka pa sakin? kaya bakit ka uuwi?"

"Hoy! wala akong ginagawa sayo, kaya wala akong atraso." Bigla siyang lumapit sakin, yung mukha niya ang lapit lapit na sakin. Na aamoy ko pa yung hininga niya, infairness mabango ah! pero... Anak ng tinapa! anong gagawin nya? Lord help me T___T

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon