Chapter 27: Friendzone?

408K 8.9K 847
                                    

Chapter 27:
Friendzone?


--

Kevin POV

hinabol namin ni sarah si apple nung umalis siya ng condo ni miggy, anyare dun? ang tahimik niya tska mukhang may problema.

"APPLE!" sigaw ko sakanya. huminto siya, tska humarap samin.

"bakit?"

"anong nangyari sayo ha mansanas ka?" tanong ko sakanya. medyo namumula yung mata niya, umitak ba siya?

"haha! wala nuh! hindi ba kayo nakakaramdam? kelangan nila miggy ng moment at storbo tayo dun."

"gaga ka talaga bakla! ako ko kung napano ka na! tse.."

"tara kain muna tayo ng ice cream sa park." aya ko sa kanilang dalawa, nakakatamad pa kasi umuwi eh.

Sumang-ayon naman silang dalawa, at tska kami pumunta sa park na lagi namin tinatambayan, bumili kami ng favorite naming vanilla ice cream. Nag kwentuhan, habang nag kwento kami na alala ko yung nangyari samin dati..

*FLASHBACK*

Simula nung pumunta si cristin sa Don mariano naging close kaming tatlo, Lagi nilang pinag uusapan si cristin sa canteen, since wala akong communication kay tin that time, nakiki-balita na lang ako sa kanilang tatlo. Lagi na kaming sabay kumakain sa canteen tapos kapag uwian kumakain kami ng ice cream sa may park.

Sa kanilang dalawa mas napalapit ako kay apple. Nung mga oras kasi na yun nakita ko na laging mag kasama sila maureen at miggy, ayun yung time na nag exchange student ang school ko at school ni maureen, mukha talagang pinaglalaruan kami ng tadhana kasi silang dalawa pa talaga yung napili. Sa mga panahon na din na yun hindi kami nag papansinan ni maureen. Isang araw andun ako sa likod ng school namin. Nakita ako ni apple na umiiyak, nakakahiya nga yun! lumapit siya sakin..

"oi kevin ang laki ng nakapuwing sayo ah? at umiiyak ka dyan?" tumawa lang ako sakanya, hindi ko alam kung alam ba niyang umiiyak talaga ako at pinapangiti lang niya ko o talagang akala niya may naka puwing sakin.

"mansanas? gusto mo kumain ng ice cream sa park?"

"ah sure! sayang wala si sarah.."

"okey lang tayong dalawa na lang."

Pumanta kami ng park, kumakain ng ice cream, and suddenly we both saw maureen, kasama si dante pero naglakad lang sila sa harap namin siguro ipapasyal lang nila si chowy yung aso ni maureen na binigay ko nung birthday niya.

"uhm kevin, boyfriend ba yun ni maureen? mas pogi ka dun!"

"hindi kapatid niya yun apple.." nagulat siya tska nag taas ng kilay.

"ah, hindi kasi sila mag ka mukha.. uhmm..."

"hmm?"

"pwede ba ko mag tanong kevin?"

"nag tatanong ka na nga eh.."

"haha! uhm.. mahal mo pa ba si maureen?"

for a second.. there's a moment of silence.

"oo mahal ko pa siya.. sobra."

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon