Chapter 48: Tapos na ba?

352K 8.3K 1.2K
                                    

Chapter 48: Tapos na ba?


--


"TIN!!!"


hala lagot galit siya. Oh no! ano gagawin ko? hindi ko siya dinalaw sa condo niya tapos makikita niya kong may kasamang lalaki. Ehhh!! wala naman akong ginagawang masama huh! Inutusan kasi ako ni mama eh, dadalawin ko naman siya ngayon eh. Tska bakit nasa labas na siya? okey na ba siya? mamaya mabinat na naman siya, magalit na naman sakin yung ate niya. Loko talaga to' pasaway eh!

"miggy! bakit lumabas ka na?! mamaya mapano ka na naman!"

"Sino naman yan?!" hindi niya ata napansin yung sinabi ko tapos ang sama ng tingin niya kay renz. Halata mo din na galit siya kasi nag tataas siya ng boses eh.

"ako pala si renz, bagong kapitbahay nila tin.."

"ikaw na ba si tin ngayon ha?! ikaw ba kausap ko?!" Luh! grabe naman si miggy! pati si renz inaaway wala naman kaming ginagawa, napaka seloso talaga netong bakulaw na to.

"sorry dre.." ay naawa tuloy ako dito kay renz.

"Miggy!! bakit ka ganyan? wala naman ginagawa sayo yung tao.."

"so kinakampihan mo pa siya?!"

"dre wala naman kasalanan si tin! nag pasama lang ako sa kanya kasi bago lang ako dito sa lugar na to.. wag mo naman awayin si tin.." wow ang bait naman niya para ipag tanggol ako kay miggy.

"wag ka maki alam dito!!!" Lumapit si miggy kay renz, pinigilan ko naman agad siya. Bakit ba ang init ng ulo niya? PMS ba siya? ano bang problema niya? epekto na yan ng sakit niya?

"renz.. sige na.."

"sige tin.. sensya na.." tapos umalis na si renz. Binitawan ko na din si miggy.

"ano ba?! ano bang problema mo?! wala naman kaming ginagawang masama!" pati tuloy yung mga dumadaan sa tapat namin, napapatingin. Miggy naman eh, ang aga aga nag sisigawan tayo >__<

"wala?! alam mong may sakit yung boyfriend mo pero nakukuha mo pang lumibot kasama yung lalaking yun? walang masama dun?"

"inutusan ako ni mama ipasyal to si tammy! nung paalis nako nakilala ko yan si renz, nag pasabay lang kasi wala siyang alam dito, mabait naman siya kaya pumayag ako.. Pupuntahan naman kita eh, eto na nga oh.." tumataas na din yung kilay ko. Naku naman! na hihigh blood ako!

"bagong kilala mo pa lang sumama ka na?! ano ka ba tin?!"

"bakit bawal na ba ko makipag kaibigan?! mabait naman siya eh.. ano ba miggy! wala na sa lugar yang pag seselos mo!"

"hindi ako nag seselos!!" oh come on! so ano pala yan? trip lang niyang magalit sakin? eh hindi naman pala siya nagseselos kay renz eh, bakit siya nagagalit? dahil ba hindi ko siya pinuntahan? pupuntahan ko namasn siya eh, inutusan lang talaga ako ni mama.

Tumahimik lang ako. Medyo na aasar na kasi ako eh.

"alam mo ba kung bakit ako nag aalboroto ng ganito? kasi inaway ko pa yung ate ko kanina nung sinabi niyang may kasama kang iba.. Sabi ko hindi mo yun magagawa.. yun pala totoo yung sinasabi niya.. may tiwala ako sayo tin eh.. bakit ba naman kasi sumama ka sa ibang lalaki.. kahit sabihin mong wala yun eh.."

Natigilan ako. Na alala ko yung sinabi ng ate ni miggy.

'alam ko namang yan yung sasabihin mo eh... well.. ako na lang yung gagawa ng paraan para mag hiwalay kayo, at wag mong subukan sabihin sa kapatid ko yung napag usapan natin ngayon..'

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon