Chapter 51: Always and forever [Last Chapter]

452K 9.4K 540
                                    

Chapter 51: Always and forever [Last Chapter]


--

[Play niyo yung walang iba by ezra band]


Three months after..


Masaya? sobra. Feeling ko nga nasa cloud nine kami ni miggy eh. Sa loob ng tatlong bwan madaming nagyari.. pero lahat yun worth it.

Syempre naging okey kami ni miggy nung araw sa ospital. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ko ulit bibitawan pa si miggy.. ang tanga ko naman kung gagawin ko yun di ba? san ka pa ba makakahanap ng lalaki na katulad ni miggy? yung bukod sa pagiging boyfriend eh, bestfriend din sayo. Pag katapos nung araw na yun.. mas naging sweet kami sa isat isa.. para ngang wala ng makakapag hiwalay samin eh.. Kapag nag dodota siya, lagi niya akong kasama. Kapag may tournament nga pinag mamalaki niya pa ko sa mga kalaban, para ngang tanga eh! pero nakakatuwa.. ang sweet kasi eh. Kapag talo sila, yayakapin ko lang siya tapos okey na daw siya. Hindi ko din alam, pero parang yung isang araw lang na hindi namin makita yung isat isa.. parang hindi na namin kaya.. OA ba? eh kasi parang hindi makukumpleto yung araw naming dalawa kapag wala yung isat isa eh. Nung nag tournament nga sila sa korea nun, araw araw kami dapat mag ka chat sa skype dapat video call daw.. tapos kada oras dapat tinetext namin sa isat isa yung mga pinag gagawa namin. Baliw lang eh nuh? baliw sa isat isa.

Hindi ko na sinabi pa kay miggy lahat nung nangyari kay ate michelle. Isang araw kasi lumapit sakin si renz.. sabi niya inutusan daw siya ni ate michelle na pag hiwalayin kami ni miggy kapalit yung pag papagamot niya kay ella. Imbis na mainis ako, naintindihan ko si renz, sabi niya hindi daw niya kayang gawin yun.. lalo na napaka bait ko daw pati yung family ko sa kanya tska kay ella.. lagi kasing nasa bahay nun si renz, close kasi sila ni miguel eh, ewan ko ba dun bakit naging close? tapos nung nalaman nila mama yung kalagayan ni ella ayun lagi na namin siyang dinadalaw kaya si ella tuwang tuwa lagi. Sabi ni renz, binawi na daw niya yung usapan nila ni ate michelle kaya wala na daw sumusuporta sa pag papagamot kay ella pero kaya naman daw niya mag trabaho na lang para sa kapatid niya eh.. nung nalaman ko yun, humingi ako ng tulong kala mama, hindi naman sila nag dalawang isip eh kasi pamilya na din naman yung tingin nila kay renz. Si miggy naman kaibigan na din naman turing niya kay renz, buti na nga lang eh, akala ko aayaw siya. Minsan natatakot pa din ako na baka mamaya may gawin na naman si ate michelle para pag hiwalayin kami, pero sabi nga ni kuya ace, wag ako matakot kung wala naman akong gagawin na ikakahiwalay namin. Kasi kahit sino pa daw ponsio pilatong mag papahiwalay saming dalawa, kung mahal namin yung isat isa.. hindi kami mag hihiwalay. Tama naman si kuya eh, kaya hindi ko na din sinabi kay miggy para hindi sila mag away ng ate niya. Umaasa din kasi ako na maging okey ako kay ate michelle.

Syempre din, Graduate na kami ng High School! ang saya nga nung graduation day eh. Kasi naman lahat kami nag march na may award. Si apple at sarah loyalty award! haha de joke! Top 1 si sarah sa class nila, Top 2 naman si apple. Si kevin naman MVP sa basketball. Si miggy? 3rd honor. AKALAIN MO YUN HA?! haha. At syempre ako? Valedictorian lang naman. Sila mama at papa ang saya saya, kaya ayun promise nila hindi na daw sila mag aabroad, para sakin sapat ng gift yun, yun naman talaga gusto ko eh, wag na sila umalis sa tabi namin. Si apple pala sa FEU mag aaral pfft! mag kasama sila sarah, samantalang ako sa UST. Si kevin sa ateneo eh, wow rich kid eh? haha. Si miggy? wag niyo na tanungin.

Si kevin at apple, ayun hindi na din mapag hiwalay eh. Si apple nga ayun na adik na din sa dota eh, paano tinuruan kasi ni kevin. Kaya eto si apple napaka luwag kapag nag dodota si kevin, paano kasi sabay sila nag lalaro! amfp! ako din gusto ng ganun, ayaw kasi ako turuan ni miggy eh, baka daw maadik din daw ako kagay ni apple, mawalan daw ako ng time sa kanya. Pero nakakatuwa lang kala apple at kevin parang kelan lang kasi.. pareho silang umiiyak tas ngayon ang saya saya na nila. Pero im so happy for them, ang saya lang tignan yung dalawang malapit sayo na masaya sa isat isa. 

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon