Chapter 49: Cool off

354K 7.9K 643
                                    

Chapter 49: Cool off


--

MIGGY POV


"alam mo hindi ako seryoso sa sinabi ko kanina na break na tayo... pero ngayon? mas mabuti na nga mag hiwalay na lang tayo eh.. tutal ganyan naman tingin mo sakin, isa pa parang hindi na kita kilala eh..." Tumalikod siya sakin.. "wag mong kakausapin.."


Ayan yung mga sinabi niya nun.. Yung huling narinig ko sakanya.. 3 days.. tatlong araw na kaming hindi nag uusap ni tin.. ang sabi niya break na daw kami... seryoso ba talaga siya dun?

Sa loob ng tatlong araw na yun, gustong gusto kong kausapin si tin. Gusto kong makipag ayos sa kanya pero langhiya naman! Nauuna talaga yung letcheng pride na to eh.. ay hinde... hindi pala pride to.. ewan eh, tuwing naiisip ko kasi yung nangyare nasasaktan ako. Pero yung mga sinabi ko? hindi ko mean yun. Nyeta naman! nadala ng emosyon eh. Nung isang araw nga, dapat makikipag ayos na ako kay tin, kaso lintek talaga! nakita ko na naman mag kausap sila nung renz na yun!!! BUISET!! nakaka selos eh tapos ang saya niya pa, nakangiti eh. Ayan tinopak na naman tuloy ako hindi na naman kami nag pansinan.. Yun lang talaga yung problema sakin eh, napaka SELOSO ko. Kung gaano ako ka tindi mag mahal ganun din ako ka tindi masaktan, ganun naman talaga di ba? Hindi naman sa wala akong tiwala... selfish kasi ako eh, gusto ko sakin lang si tin eh.. Tuwing kakausapin ko naman si tin, lagi siyang umiiwas. AMP! nakaka inis naman. Alam ko may mga masasakit akong nasabi eh.. sabi ko nga kala sarah at apple, ihingi na lang ako ng tawad para kay tin.. Kahit ganito... galit ako sakanya, ay mali sabihin na nating tampo... mahal na mahal na mahal ko pa din siya, walang nag bago.

Papasok na ko ng room namin. Nakita ko si tin nakaupo na sa upuan niya. Ang aga naman neto pumasok na payatot na to! ako nga laging late kasi naman hindi ako makatulog kakasip sa kanya eh hays.. Eto pa yung mahirap sa sitwasyon namin eh, sa loob ng tatlong araw na lumipas... Araw araw katabi ko siya sa room. eh Anak ng tinapa naman! ang hirap ng ganun... deep inside gustong gusto mo ng hawakan yung kamay niya... pero wala eh... NGANGA. Minsan nga napapa tingin na lang ako sakanya, kapag naman nakita kong titingin siya sakin, lalayo ako ng tingin. Yung feeling na gusto mo siyang pansinin pero hindi mo alam kung paano magsisimula. Parang tanga lang eh nuh? alam ko naman iniisip niya din ako, haha! assuming ang pucha pero seryoso naman alam ko iniisip niya din ako... hindi ko alam bakit kami ganito ngayon?

"miggy... napapansin namin ilang araw na kayong hindi nag uusap ni tin ah? nag away ba kayo?" Peste! kelangan talaga itanong pa? nakikita naman eh. Tsismosa neto eh nuh.

"mind your own busniness.." 

"ang sunget! tin oh! ano ba yang boyfriend mo?"

"wala na kami.." sabi ni tin. Wow proud pa siya ha! Awtsubells. Ako nga kapag may nag tatanong sabi ko lang nag away kami.

"HA????!"
"ANO WALA NA KAYO?"
"HALA KELAN PA?" 

Tignan mo tong mga classmate namin. OA mag react ha? ako ngang BF.. ay BF pa ba? o ex-BF? ah basta ewan! ako nga hindi ganyan mag react eh di ba? Eh nakaka gulat nga yun sa part ko.. nako. Nakakainit lang talaga ng ulo eh.

"peste ang dami niyong tanong! aalis na nga lang ako!"

tumayo agad ako ng upuan ko tapos umalis na ko ng room. Habang nag lalakad ako tinignan ko si tin sa may bintana, wala blanko lang yung mukha eh. Ano ba kasi problema niya... problema naming dalawa? lakas ng topak namin ha. Napangiti tuloy ako! anak ng siopao naman oh! kasi naman eh kapag na aalala ko yung mukha niya napapangiti automatic yung mukha ko.. wahaha...

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon