Chapter LX: Assailed

2.2K 47 1
                                    

SHANNA P.O.V

Ilang araw na ang dumaan ng mangyari ang pagdukot saakin at umamin si Devon na isa siyang Mafia pero hindi sindikato ang ginagawa niya kundi protektahan ang mga pribado niya. sa mga araw na nagdaan naging bantay sarado nila ako hindi dati na si ryo ang laging nakakasama ko.

ngayon ay sila Ella at Mizuro na para tuloy akong anak ng presidente sa ginagawa nilang pagbabantay saakin kahit saan ako magpunta ay nakasunod sila
Mismo sa pagdalaw ko ng puntod ni Ian.

Naiilang tuloy ako pati si pag duty ko sa trabaho kasama rin sila parang tuloy gusto ko nalang magkulong sa Kwarto.

"WELCOME TO BORACAY ISLAND!!" hiyaw ni Ryo ng isa isa kaming bumaba sa Van na ginamit naming pang biyahe buong magdamag.

Napag desisyunan ni Devon na magbakasyon kaming lahat dito sa Boracay para sulitin ang sembreak ko.

"YAAAY! BORACAY!" Sigaw rin ni Xi na nagbaba pa ng shades na suot niya maliban kay Zhe na tahimik lang na nakamasid.

"ANG GANDA RITO!" Namamanghang papuri ni Ella na parang ngayon lang nakakita ng Boracay.

Tama si Ella sobrang Ganda rito pati rin ako ngayon lang nakapunta rito kahit hindi ka pa tuluyang nakakapasok ay matatanaw mo ng maraming mga turistang hindi taga rito ang nakakahalubilo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tama si Ella sobrang Ganda rito pati rin ako ngayon lang nakapunta rito kahit hindi ka pa tuluyang nakakapasok ay matatanaw mo ng maraming mga turistang hindi taga rito ang nakakahalubilo.

"Si Dev------" hindi ko na natuloy ang itatanong ko ng mauna na silang tumakbo napasimangot tuloy ako kasi hindi ko nakitang sumabay saamin si Devon.

Wala kong nagawa kong hindi sumunod sa kanila papasok sa entrance ng Boracay kung saan matatapakan muna ang puting buhangin.

"Mas excited pa sila kesa saakin." napapangusong saad ko ng hubarin ang sapatos ko para nakapaang maglakad lakad muna sa buhangin.

"Sayang hindi ko nagawang isama si Warka." hindi ako nabigyan ng oras para kamustahin siya dahil sa higpit ng bantay ko mula sa kanila at paniguradong pipiliin niyang magtrabaho sa Coffeeshop.

"Nasaan na ba kasi si Devon." natanong ko nalang sa sarili ko habang nagpapatuloy sa paglalakad sa buhangin ang sarap pala sa pakiramdam na naka paa kang naglalakad sa pinong buhangin

"I'm here."

napapihit ako palingon sa likod ng marinig ko ang boses niya at hindi sinasadyang mabangga sa Dibdib niya.

"A-aray." daing ko ng mapahimas sa noo kong nabangga sa matigas niyang dibdib.

"Tch." masungit na angil niya na nilampasan pa ko para lang maunang maglakad saakin.

Wrong Send With The Mafia King 1Where stories live. Discover now