Chapter Vlll: Appointment

5.3K 135 4
                                    

SHANNA P.O.V

kinabukasan:

"Tama na kaya tong suot ko?"tanong ko Sa harap at Repleksyon ng salamin.

"Haist! Sana lang di ako mapahiya sa suot ko ngayon para mamaya sa office ni Mr.Vlas!" Tingin Ulit Sa salamin Mabuti nalang kasya saakin kahit hiniram ko lang kay fiona isa Sa mga kasamahan ko Sa pagiging Waitress rin Sa Restaurant napakaayos Ako ng tayo.

"Ang pormal ko tignan nito? bagay kaya?" Sulyap na naman sa sarili Mula Sa Salamin.

Nakapormal attire ako ngayon, white na blouse sa loob at itim na blazer habang itim rin ang pencil cut na pinahiram saakin galing kay ate Fiona, gusto ko sanang magreklamo ang kaso huli na dahil wala kong ibang maisusuot.

Mabuti nalang hindi natanggal ang appointment ko sa kumpanya dahil hilig daw ng Presidente nila sa kompanya na magtanggal ng Appointment kapag hindi siya Interesado.

Nagsimula nakong maglakad palabas ng Bording House at pumara para makasakay kagad ng Jeep sa kanto ni wala kong pagpipilian dahil malayo ang kompanyang iyon kaya naupo ako sa gitna.

'VLAS ENTERPRISE'

Ilang minuto ang lumipas at nakababa rin ako sa naturang kompanya. napatingin naman Ako sa Suot kong Relo na mumurahin lang bago lumipat ang tingin ko sa gusali, kulang nalang abutin ang langit.  Paano kaya pag nagka earthquake? Siguro patay lahat ng tao rito sa baba.

"wow!" Manghang sambit ko.

"Goodmorning ma'am." Bati ng guard.

"Magandang umaga rin po manong guard." natutuwang bati ko rin pabalik nang pagbuksan ako ni Manong Guard. lumapit naman kagad Ako Sa Mukhang Reception desk.

"Ahm. Ate ako po yung Representative ng Vlas university, nagpakuha po ako ng schedule nung isang araw." Puna ko sa magandang receptionist at mukhang mabait siya.

"Yes Miss, Mabuti hindi cancel ang appoinment mo kay Mr.Vlas." nakangiting pagtugon niya.

"Ganun po ba? Eh kasi po tinawagan Ako kahapon na Inaprobahan daw Appointment ko ni Mr. Vlas."napapakamot ako sa sintido ko."Saan po ba makikita ang office ni Mr.Vlas?"tanong ko.

"Sa 56th floor..." Hindi na tuloy Ang Sa sabihin ng May Maingay na Dumaan kaya napalingon Kami Pag Balik ko naman ng Tingin Sa Receptionist.

"ang office ni Mr. Vlas."

'46th daw?'

"Salamat po ate."

"Welcome."

Kahit nalilito hindi nako nagtanong pa nakakahiya naman sa Receptionist na parang naging bingi ako sa sinabi niya. isang tanong at isang sagot lang.  nagmadali akong pumunta ng elevator at Pinindot ko naman yung 46th Floor ang sinabi.

**Ting**

"Hayyy Salamat."

Nang palabas na sana ako ng elevator biglang nahulog ang bag ko kasunod na pagkalat ng dala kong gamit kaya isa-isa kong pinulot.

"Sorry Miss."

"Ayos lang." Abalang sagot ko at tumayo matapos pulutin ang gamit ganun nalang ang gulat ko sa lalaking nakatingin sakin. napatitig naman Ako sa kanya. parang pamilyar siya hindi ko lang matandaan at kung saan nga ba.

"done staring me?" Pukaw niya.

"Ay Oo--iste Sorry din po." Tarantang paumanhin ko. may natitira rin akong kahihiyan. parang nakita ko na siya noon. Artista rin kaya siya?

Wrong Send With The Mafia King 1Where stories live. Discover now