Chapter XXXVI: One Step to Hell

2.8K 60 0
                                    

IAN P.O.V

Matapos ang nangyari kay shan ayaw ko nang ulit mangyari yun muntik na siyang madamay dahil siya lang ang gusto kong makuha wala akong paki sa lalaking asawa na niya kaya ko siyang makuha sa sarili kong paraan na hindi ko kailangan masangkot sa Aizen group kaya napagpasyahan kong aalis sa grupo nila kung ganon lang sana kadali makaalis pero bahala na pupuntahan ko na sila nang matapos na ito alang alang Sa proteksyon ni Shan

"Oh Bro naparito ka?" Bungad ng isa at ginaya ako papasok

"May sasabihin lang ako..." kahit na kinakabahan ay nagpatuloy ako

"Ano naman yun?" Nagsimula na siyang magtaka

"Justin sino yan?" tanong ng isang nakatalikod at abalang nag babaraha Sa katapat nito

"Nandito si Ian Bro.."sambit ng gumiya saakin at inakbayan ako kaya napalingon silang dalawa na abalang nagbabaraha si Joubert at Jake

"Ian, naparito ka?" Napabuga siya ng sigarilyo

"May gusto sana akong ipaalam Sa inyo.."kinakabahan talaga ko

"Huwag ka ng mahiya pamilya ka na namin." Sabat naman ni Joubert na ninigarilyo

"Oo nga Bro pasasaan pa at kasali ka saamin..." napatayo na si Jake na kaharap niya

Yun na nga eh gusto ko ng hindi mapabilang Sa inyo.

"Gusto ko nang umalis sa grupo niyo.."paunang sambit ko kita ko naman nagpalipat lipat sila ng tingin tatlo

"hayaan niyo kung makuha si Shan sa sarili kong paraan hindi sa paraan na kailangan ko pang Pumatay."paliwanag ko gusto ko ng matapos Ang koneksyon namin at ayaw ko sa paraan nila

"Hahaha. Nagbibiro ka ba Bro!"sabay tapik Niya

Naging maganda Ang trato nilang lahat saakin simula ng mapabilang Ako Sa kanila at hindi ko pinagsisihan yun

"Seryoso Ako Justin." Sambit ko kaya natigilan siya at nawala ang ngiti niya

"Hindi ganun kadali yun Ian."

Napabaling ako Sa nagsalita nun yung nanigarilyo kanina pati siya Ay hindi natutuwa sa Inaasta ko

"si shan lang habol ko walang kong paki Kay Mr.Vlas kaya si shanna lang ang babawiin ko hayaan niyo kong gumawa sa sarili kong paraan..." sambit ko

*RING*

Bigla namang may nag Ring na Phone pero hindi saakin

*RING*

"si Boss tumatawag!" Tarantang sabi niya ng makilala kung sino ang tumatawag

"Sige sagutin mo!" Taboy ng isa

kaya lumayo siya at hindi inaalis Ang tingin saakin

Isang maling hakbang ko lang Impyerno na bagsak ko.

At Sila ang impyernong nag-aabang sakin.

Napapatingin naman siya saakin at hindi ko mapigilang kabahan Sa posibilidad na mangyari paano kung bigla na nila kong Dispatsahin rito

Wrong Send With The Mafia King 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon