Chapter XLVlll: Zeńa

1.8K 48 0
                                    


SHANNA P.O.V

"Shan wala ka bang gana?" biglaang tanong ni Ryo ng nakakailang subo na  samantalang ako nanatiling hindi ginagalaw ang pagkain

Tinotoo nga ni Ryo na Sa tanghalian ay sinundo niya ko para sabay kaming mag tanghalian dito sa Chowking akala ko nga sa Kalinderya lang kami hihinto ni Ryo. Ayus lang rin naman saakin kung sa kalinderya na mimiss ko na rin kumain ng Sari-sari kasama si Warka.

Himala ngang Ili-libre ako ngayon ni Ryo ng Tanghalian.

Ano kayang Espirito ang sumapi kay Ryo ngayong Araw?

Hindi kaya nanalo siya sa Loto?

"May problema ba sa pagkain mo, Shan?"

nabalik ako sa ulirat ng magtanong ulit si Ryo saakin.
Kita ko sa mata niya na nagtataka kung bakit hindi ko pa nasisimulang kainin ang pagkaing nakahanda siya pa naman pumili nito.

Parang gusto niyang itanong kong may hinihintay pa akong iba?

May hinihintay nga ba ako?

Wala ba kaming ibang hihintayin?

Ang rami rami ko kasing iniisip eh.

"Kung hindi mo gusto Shan palitan nalang natin pagkain mo sandali lang kukuha-----"

"Ryo, Tama nato." Awat ko sa kanya ng akmang tatayo siya

"Sigurado ka Shan?" nag aalalang pa itong bumalik sa pagkaka upo niya

"Oo, medyo pinapalamig ko pa kasi." Alibay ko para namang nadagdagan ang pagtataka ni Ryo sa sinabi ko at saka pa lang siya bumalik sa kinauupuan niya.

Ang ganda kasi ng palusot ko.

Sino ba naman agad ang maniniwalang hinihintay ko pang lumamig ang pagkain nakahain sa harap ko na magka kalahating Oras habang si Ryo ay patapos na.

"Ano ba kasing iniisip mo? baka matulungan kita."  walang Pag aatubiling presenta niya sa sarili.

Bakit kaya Ang bait ni Ryo ngayong Araw?

Kasi nag presenta pa siya kanina na sabay kaming mag tanghalian
Hindi naman sa hindi ko gusto?
Pero kasi nakaka panibago para saakin na mag yaya si Ryo.

Hindi naman siguro sa may kailangan siya noh?

"Wala naman Ryo." tanggi ko at nagsimula ng Kumain para wala ng maraming tanong pa si Ryo pag hindi ko pa sinimulang kainin ang pagkain ko..

Si Devon kaya kumain na?
Hindi ko naman maiwasang isipin si Devon kung nag tatanghalian na ba yun ngayon?
Hindi naman kasi siya nag yayayang kumain sa labas dahil sa sobrang busy niya sa trabaho.

Sana naman hindi siya nag palipas ng gutom.

"Matanong ko lang, Shan?." panimula na naman ni Ryo para basagin ang namumuong katahimikan.

Bago lang Kaming natapos kumain ng tanghalian at sa halo-halo na naman kami ngayon.
Vacant naman sunod na  klase ko kaya ayos lang mahuli Ako ng dating.

"Hmm. Ano yun, Ryo?" napaangat ako ng tingin sa kanya dahil sa abala kong tinutusok ang Halo-halo pang dessert daw kuno ni Ryo.

"Nag tra-trabaho pala kaibigan mo sa Coffeeshop?"

natigil naman ako sa pagsubo ng marinig ang tanong ni Ryo.

Si Warka ba tinutukoy niya?

"Oo, Ryo paano mo nalaman?"

Sa rami ng kaibigan ko si Warka lang ang alam kong nag tra-trabaho sa Coffeeshop at wala ng iba.

Paano niya kaya nalamang nag tra-trabaho si Warka?
ni wala naman akong na kukwento sa kanya tungkol Kay Warka.

Wrong Send With The Mafia King 1Where stories live. Discover now