Chapter LI: Mood Swing 2

1.8K 50 0
                                    

Dedicated to:@Veronibieee and @Hacimalabaso
****

SHANNA P.O.V

"Haaaay."

nakailang buntong hininga habang kaharap ang gate ng bahay nila Ian.

matagal na rin simula ng makatapak akong muli rito simula ng ipakilala ako ni Ian sa mga magulang niya pagkatapos ng Senior Highschool para maging legal kami sa parents niya.

Ganun siya katapang na iharap ako sa mga magulang niya kahit alam niyang tutol ang Ina niya nung una niya naging tutol nga ito sa relasyon naming dalawa dahil wala kong magulang habang ang papa niya ay suportado saaming dalawa ganun siya kamahal ng papa niya  pero kalaunan nagparaya na rin ang mama ni Ian simula ng mamatay ang ama nito at ito pa mismo ang nakiusap saaking kausapin si Ian dahil sa pagdadalamhati nito sa pagkawala ng Ama medyo nahirapan rin ako nun.

"kaya ko to." Saka ko sinimulang pindutin ang Doorbell dito sa gate hindi ko matatangging may kaya si Ian kaya ganun nalang katutol ang ina nito saakin nang maipakilala ako dati

*Ding*

kinakabahan ako simula ng libing Hindi nako nagpakita pa dahil hindi ko kayang harapin ang Ina ni Ian. wala nakong mukhang ihaharap sa kanya.

*Dong*

"Ija, naparito ka?"gulat ang rumishistro sa kanya ng mabuksan ang Gate halatang hindi niya inaasahang ako ang nasa labas ng bahay nila

"Hello po tita iyanna." napahigpit naman ang hawak ko sa kahon dahil sa kaba ngayon ko lang uli nahakarap ang mama ni ian ng kami lang dalawa

"Halika pumasok ka."

"Sige po." nakakahiya naman kong tatanggi pa ako na nandito nako

giniya  naman ako ni tita sa loob ng bahay nila kung nasaan ang sala at inanyayahan akong maupo na sinunod ko naman.

"Ikukuha kita ng maiinoom, ija." tumango naman ako sa sinabi ng ina ni Ian kahit na ramdam kong may pait sa ngiting pinapakita niya

nang mawala sa paningin ko ang ina ni ian nabigyan ako ng oras na libutin ng tingin ang buong bahay.
may iilang nabago ng ayos rito.
at nanatiling malinis.

"Ija, ito na ang maiinom mo baka sabihin ng anak kong trina-trato pa rin kita ng masama." kasabay ng paglagay nito sa harap ng mini table nila dito sa Sala at naupo sa harap ko

"Salamat po." inabot ko naman ang naglalaman ng Juice na dinala ng Ina ni Ian at uminom ng kaunti

"Pwede ko bang malaman kong bakit ka naparito, Ija.?"

"Ipina paabot po ng Ma'am ni ian ang na natitirang gamit niya sa locker, Tita." Agarang abot ko sa Box na naglalamang ilang notebook niya kasama ang picture frame naming dalawa

"Pasensiya na po kung ngayon lang ko nakapunta sa inyo." pagpapa umanhin ko rito kahapon lang hindi ko pa nagawang iabot agad dahil iniwan ko pa sa locker ko at napag isip isip ko malapit ng mag sembreak kaya mas mabuting maibigay ko sa Ina ni Ian.

"Hindi ayos lang. Ija, naiintindihan kita." sambit nito

"Pero po kas----" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng magsalita siyang muli

"Alam kong wala na kayo ng Anak ko.Ija."

nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

Paanong?

Paanong alam niya ang gusto kong sabihin.

"Nagtapat ang Anak ko,Ija. pinagsisihan niya lahat gusto man kitang kausapin ay labas ako sa inyong dalawa."pagtatapat niya para akong nabuhusan ng tubig sa narinig ko sa ina ni Ian

Wrong Send With The Mafia King 1Onde as histórias ganham vida. Descobre agora